KABANATA 11

3.5K 224 113
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 11 †
•Lᴀᴋᴀs Tᴀᴍᴀ•

(Sophia's POV)

"Heneral?"
Hindi makapaniwala kong sambit.

Nang makita ko ang walang ekspresyon n'yang mukha habang nakatingin s'ya sa 'kin ay agad akong napayoko.Marahil ay sinusumpa n'ya na ako dahil inabala ko na naman s'ya at ngayon ay nandito pa s'ya para sagipin ako.

Kinakabahan na ako ng sobra nang bigla s'yang yumuko Para makapantay ako.

"g-gusto ko lang naman bawiin 'y-yunng brootch ko. P-patawad, hindi na 'to mauulit," kinakabahan at nauutal kong saad.

Napaigtad na lang ako nang bigla n'yang hawakan ang paa kong puro gasgas at ngayon ay wala ng pang-sapin sa paa. Mabilis kong itinago 'yon sa ilalim ng saya ko Dahil baka magalit pa s'ya.

"Tumakbo kasi ako nang napakalayo kanina kaya hinubad ko ang sandalyas ko pero 'wag kang mag alala. Naiwan naman 'yon kay isab–"Agad akong napatingala ng biglang nalipat ang kamay n'ya sa pisnge ko.

Lubdub*
Lubdub*

T-teka, anong ginagawa n'ya?

"Ang paa ng Binibining may mataas na estado sa lipunan na gaya mo ay hindi dapat sumasayad sa lupa pero ang iyo..." Huminto s'ya pagkatapos ay umiwas ng tingin

Sasagot sana ako ng biglang natamaan ng kamay n'ya ang sugat ko sa labi sanhi ng pagkakasamapal sa 'kin ng tulisan kanina. Napangiwi ako sa sakit.

"Ang labi mo.. anong nangyari sa labi mo?"

"Ha? Ito ba? Nadapa kasi ako kanina." Pagsisinungaling ko dahil baka magalit pa s'ya kung sabihin kong nanlaban ako sa mga tulisan na kumidnap sa amin.

"Muka ba akong hangal sa paningin mo Sophia?" Napahawak ako sa saya ko nang makita kong nagsalubong ang kilay n'ya.

"Sabihin mo, Sino ang may gawa nito sa'yo?" Blangko ang muka n'yang tanong pero mababakas sa tono n'ya ang galit.

Gusto kong kiligin sa isipang concern s'ya sa 'kin pero parang hindi ata 'yon ganun. Imposible 'yon, isa pa mas muka s'yang galit.

"Aba't totoo ngang konektado sa isang Heneral ang binibining ito."
Napalingon kami sa isa sa mga tulisan.

Magsasalita pa sana s'ya ng bigla s'yang tumumba nang may malakas na pwersang sumipa sa kan'ya mula sa kan'yang likuran. "Sinong Heneral? Nagkakamali ka ata sa iyong tinuran.."

"Alperes?!" Gulat na gulat sambit ng isa sa mga tulisan. "Nandito ka? Kung ganoon ang taong ito ay ang..." Napatingin s'ya sa Heneral na hangang ngayon ay blangko pa rin ang ekspresyon.

"Tama, s'ya nga ang Gobernador-Heneral! Hangal!"

Tatakbo na sana ito ngunit mabilis na humarang ang Heneral at walang ano ano'y hinugot nito ang espada n'ya sa kanyang tagiliran at sinaksak ito mula sa harapan.

Agad akong napahawak sa bibig
Dahil sa nakita ko.

Ilang beses ko nang nakitang nakipaglaban ang Heneral ngunit ngayon ko lamang s'ya nakitang naging ganto ka agresibo na pumatay.

Nang makita kong walang pag-aalinlangan n'yang sinasaksak ng kan'yang espada ang isa pa sa mga tulisan at magtalsikan ang mga dugo mula dito ay agad akong nawalan ng malay.






Napabalikwas ako nang bangon ng may marinig akong mga boses na tila nagkakasiyahan sa kung saan.

Ugh. Ang sakit ng ulo ko.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon