KABANATA 3

4.8K 323 192
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 3 †
•Aɴɢ Uɴᴀɴɢ Pᴀɢᴋɪᴋɪᴛᴀ :
Iᴋᴀʟᴀᴡᴀɴɢ Bᴀʜᴀɢɪ •

( Sophia's POV )

Sobrang bilis pa din nang tibok ng puso ko ng isang iglap lang ay nailihis n'ya na ang kabayo palayo sa sapa.

Ramdam na ramdam ko ang higpit ng hawak n'ya sa bewang ko ng bigla n'yang hinila ang tali nito dahilan upang huminto kami.

Saktong paglingon ko sa kan'ya ay nagtama ang mga mata namin kaya agad akong napabawi ng tingin.

Napahawak ako sa dibdib ko.
Mygosh! 'yung puso ko, bakit nag-papalpitate?

Napalingon ako ulit sa kan'ya ngunit agad akong napatakip ng kamay sa mata ko dahil nagtama na naman ang mata namin.

Waaaah! Ano ba?
Bakit ba s'ya tingin ng tingin?!

Nakakagat lang ako sa labi nang marinig ko s'yang mahinang tumawa.
Hindi ko alam pero napangiti din ako.

Para bang super husky ng tawa n'yang 'yon at ang sarap ulit ulitin sa pandinig.

Shocks! Sophia. Ano bang sinasabi mo? muntikan kana nga mamatay ang harot harot mo pa. Sampalin kita eh!

"Ang buhok mo," wika nito mula sa likuran ko.

Ang buhok ko?

Feeling ko ay nag-init ang muka ko dahil sa sinabi n'ya. Ibig n'ya bang sabihin ay napaka bango ng buhok ko? Napangiti ako ng malapad lol

"Enebe, alagang Hannah shampoo 'yan," bulong ko

"Paumanhin ngunit nakakain ko ang iyong buhok."

"Ha? Ay! Haha sorry!" mabilis kong inipon ang mahaba kong buhok at inilagay 'yon sa harapan.

Ugh. Nakakahiya! di ka lang maharot Sophia, assumera ka pa! Epal naman kasi nitong buhok na 'to. Panira sa moment.

"Ang iyong wangis ay kakaiba ganun din ang iyong suot, sa pakiwari ko ay hindi ka galing sa Pueblo na ito, kung ganun maari ko bang mabatid kung taga saan ka?"

"Ah, hindi talaga ako taga dito, taga Quezon city ako."

"Quezon city?" Ulit nito.

Aish. Boba! natampal ko ang noo ko.
"Ibig kong sabihin, malayo dito. Nasa ano, nasa Mars!" Sambit ko na lang dahil kahit sabihin ko pa kung taga saan ako hindi n'ya din naman maiintindihan.

"Kung ganun hayaan mo akong ihatid kita sa Mars lulan ng kabayong ito,"
Natawa ako ng bahagya sa sinabi n'ya.

"hehe! 'wag na. baka maging tapa pa ang kabayo mo," pabulong kong sambit.

"Paumanhin, ano ulit?"

"Wala, sorry. malayo kasi talaga 'yon."

"S-sorry?"

"Paumanhin ang ibig kong sabihin. Anyway, saan mo ba ako dadalhin?" Sa wakas ay naitanong ko dahil pinapatakbo n'ya na ulit ang kabayo.

"Ipagpaumanhin mo ngunit kailangan muna kitang ibalik sa tahanan ng Alkalde Mayor."

Napatingin ako agad sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. "What? Hindi pwede! Alam mo bang balak ako pakasalan ng taong 'yon!" Kinabahan ako ng hindi s'ya umimik sa sinabi ko. "Sandali, bababa na ako!"

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon