KABANATA 8

3.7K 250 190
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 8 †
•Aɴɢ Pɪɢɪɴɢ : Hᴜʟɪɴɢ Bᴀʜᴀɢɪ •

( Sophia's POV )

"Sophia, you're dead."
Napakagat na lang ako ng labi ng samaan pa ako ng tingin ng Gobernador-Heneral.

Yari ka na naman, Sophia!
Waah! Ano ba kasing kalokohan pinaggagawa mo?

"Ngunit nakita ko sa sarili kong mga mata na hawak hawak ng Indio na 'to ang pingan at bigla n'ya itong nabitawan," sambit pa ng lalaki na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Ipagpaumahin n'yo ngunit ako talaga ang may kasalanan kung kaya't nahulog ang pingan," depensa ko pa

"Ah, batid ko na! Inutusan ka ng indio na 'to na ipagtabi mo s'ya ng pagkain
Kung kaya inabutan mo s'ya 'di ba?"

Arg! Ano bang hypothesis ang pinagsasabi ng isang 'to? Nakakairita!

"Mali ho kayo, nagkusang loob ho ako na bigyan s'ya ng pagkain."

"Nagkusang loob o pinilit ka? Sinamantala ng Indio na 'to ang kabaitan nin'yo, Señiorita! 'wag kayong masyadong nagpapadala sa pinagsasabi ng mga Indiong tulad ng babaeng 'to dahil hindi mo pa batid kung anong klaseng mga tao sila lalo na't isa kang banyaga." Napa-angat na ako ng ulo sa sinabi n'ya.

Masyado na nga s'yang mapangmaliit ay masyado pang matabil ang dila n'ya! Hilahin ko kaya ang mahaba n'yang balbas?!

"At ikaw indio, halika rito ng maparusahan kita sa kalapastanganan mo!" Nanlaki ang mata ko nang lumapit s'ya kay Isabel, akmang hahablutin n'ya sana ito mabuti na lang ay mabilis akong nakakilos para humarang.

"Señior, hindi ko alam kung anong klaseng batas ang meron sa bansang 'to bago ako dumating pero malinaw na hindi karahasan ang sagot para para matuwid ang isang maliit na pagkakamali na maari namang palagpasin," seryoso kong sambit pero sa loob loob ko ay lihim akong natatawa. Gosh! Panalo na naman 'yung linyahan ko. Lols

"Karahasan? Naintindihan ko. Paumahin, kung nagpadalos dalos ako. Ngunit ngayon na nasambit mo ang salitang batas, na iba ang batas sa bansang 'to sa bansang pinangalingan mo. Maari mo bang sambitin kung anong klaseng batas ang meron sa bansang pinangalingan mo?"

"Ha?"

Shoot. Now totally dead.

Tumingin ako sa Heneral para humingi ng tulong ngunit nakatingin lang s'ya sa 'kin ng parang 'bahala na ako sa buhay ko' look.

Wtf?! Hindi n'ya ba ako tutulongan?
Mygosh! Napakagat labi na lang ako nang makita kong halos lahat ng tao doon ay seryosong nakatingin sa 'kin.

Sige, Sophia lusutan mo ang kagagahan na ginawa mo.
Boba ka talaga!

Okay, Batas. Waaah! batass?! Wala akong alam sa batas! Ang alam ko lang na batas ay 'yung sinabi ni kim chiu na batas! Mygosh! Nasaan ba ako nung mga panahong pinag-aaralan namin ang tungkol sa mga batas?
Wait! pwede ko naman siguro sabihin 'yon dito no? Pero uubra kaya 'yon? Waaah! Bahala na!

Napalunok ako.

"Sa classroom may batas,
Bawal lumabas.." lumunok ako ulit

"oh bawal lumabas!" Napahinto ako.

Wtf Sophia!
Anong pinagsasabi mo? huhu
Sana lang ay hindi ka ikahiya ng mga susunod mong salin-lahi dahil dito.

"C-classroom?" Tanong nito.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon