KABANATA 12

3.5K 194 66
                                    

       ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
       ~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                 † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 12 †
                          •Kilay•

(Sophia's POV)

"Gusto kita."

"Gusto kita."

"Gusto kita."

"Gusto kita."

"Gusto kita."

"Waaaaaaaaaaah! Hindeeeeeee!"
Halos makalbo ko na ang buhok ko kakasabunot dito.

Nababaliw ka na ba, Sophia?!
Bakit mo sinabi 'yon? Bakit?! Waaaaah! baliw kana talaga!
Tumayo ako saka ako nagtatalon sa kama ko na parang nababaliw.

"Señiorita!" Napalingon ako sa pinangalingan ng boses.

"Waaaaah! Isabel!" Patalon akong bumaba sa kama at mabilis na yinakap si Isabel.

"Anong problema, Señiorita?"
Tanong nito habang hinihimas ang buhok ko.

"Isabel, palagay ko ay nasisiraan na ako." Mabilis n'ya akong nilayo sa kan'ya at tinitigan sa muk'a. Bahagya pa s'yang nagulat nang makita ako pagkatapos ay natawa.

"Isabel!"

"Pfft. Paumanhin Señiorita. Ano po bang nangyari sa ilalim ng mata n'yo at parang nangingitim?" Nagpipigil ng tawa n'yang tanong

Ugh. Sabihin ko bang magdamag akong hindi nakatulog dahil sa kagagahan na sinabi ko kagabi?

Pumunta ako sa kama ko at mabilis na nagtalukbong ng kumot pagkatapos ay umatungal na parang bata.

"Señiorita, ano po bang problema? May dinaramdam po ba kayo?" dahan dahan kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa 'kin pagkatapos ay tumitig sa kan'ya.

"Isabel," naluluha kong sambit.

"Ano 'yon?"

"Umamin ako sa Gobernador-Heneral kagabi isabel. Uwaaaaah!" Atungal ko sabay subsob ng muka ko sa tuhod ko.

"Ano? Ngunit, papaano? Ano po ba talagang nangyari kagabi?" Napakagat na lang ako ng labi ng maalala ko ang kahihiyang ginawa ko kagabi.

~ Flashback / Paggunita ~

"Heneral kasi..."
Napangiti ako ng mapait.

"Gusto kita."
Sambit ko habang mahigpit na nakahawak sa saya ko at nakayoko. Nang wala akong marinig na reaksyon Mula sa kan'ya ay dahan-dahan akong nag-angat ng ulo.

Napamaang ako ng makita kong walang ekspresyon ang muka n'ya habang diretso s'yang nakatingin sa'kin na para bang wala lang sa kan'ya 'yung sinabi ko.

"Aalis na tayo," sambit n'ya pagkatapos ay tumalikod na s'ya at nagsimulang maglakad.

Teka, Anong nangyari?

Shet! Rejected ba ako? Like? Wtf? Seryoso? NI-REJECT N'YA AKO?! Wait. No! I'm Sophia Shaina Alonso. Goddess and Campus IT Girl ng isang sikat na University. Ni Reject n'ya?! No, Hindi Pwede 'to!

Mabilis akong humakbang para habulin s'ya. nang sa wakas ay malapit na ako sa kan'ya ay agad akong humarang sa harap n'ya ngunit nang makita ko ang wala pa ring ekspresyon n'yang muka ay bahagya akong napaatras...

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon