KABANATA 15

3.4K 240 123
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 15 †
• Ang Dalaga sa Corregimiento
: Huling Bahagi •

( Sophia's POV )

"Ipa-garote ang lahat ng lalaking humawak sa kapatid ko."

Wait?

Ano daw?

Ipagarote?

Nasisiraan naba s'ya?!
Eh, halos lahat ng lalaking nandito ay nahawakan ako!

Wait, Nagbibiro lang s'ya 'diba?
Gusto kong maniwalang nagbibiro lamang s'ya pero nang tumingin ako sa kan'ya ay napagtanto kong wala s'yang balak huminto at lalong sa tingin ko ay wala s'yang balak bawiin ang sinabi n'ya.

Nilibot ko ang paningin ko upang tignan ang paligid. Nakaramdam ako ng kaba nang makita kong lahat ng tao roon ay nakayoko lamang na para bang wala na silang magagawa sa sinabi ng Heneral.

Arg! Ano ba sila? Buhay nila ang pinag-uusapan dito! Tama, kung ayaw nila gumawa ng paraan, ako ang kikilos!

Agad akong tumakbo at humarang sa Heneral. Nang makita kong huminto s'ya at walang expressions n'ya akong tinitigan ay parang gusto ko na lang mag back-out.

Acck! Bakit ba ang talim n'ya makatingin ha? Pero kailangan kong gumawa ng paraan. Kung hindi waaaaah!

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at Huminga ako ng malalim. "Para sa'yo Heneral!" Pikit mata kong sambit sabay lahad ng hawak hawak kong biik sa harapan n'ya.

Mygosh! Sa lahat ng pwedeng ibigay itong biik pa! Baliw ka ba talaga Sophia! Ang Sarap mo sampalin!

Nang ilang minuto ng wala akong naririnig mula sa kan'ya ay napadilat na ako ng mata.

"At anong balak mong gawin ko sa maruming hayop na 'yan, Sophia?"
Expression less n'ya pa ding tanong.

Napalunok ako.
Waah! Bakit ba napakasungit n'yang nilalang?

"Itong hayop lang na 'to ang meron ako pero pinaghirapan ko hulihin ang isang 'to. kung gusto mo sa'yo na lang!" Sambit ko habang nakatitig sa kan'ya ngunit wala man lang nagbago sa itsura n'ya.

Na-alarma ako nang makita kong pahakbang na ulit s'ya para lagpasan ako.

Ghad! Hindi man lang ba s'ya na touch sa sinabi ko? Wala ba talaga s'yang puso? Napaka halimaw n'ya talaga! Pero argg! Kailangan kong umisip ng paraan para mapahinto s'ya! Tama. Kailangan kong subukang gawin 'to. Bahala na si Batman!

Huminga ako ng malalim at humarang ulit sa harapan n'ya, nang makita n'ya ako ulit ay kumunot ang noo n'ya.

akmang magsasalita na s'ya ng ...

*Silence*

Parang bigla ay gusto ko na lang batukan ang sarili ko ng ilang ulit dahil sa ginawa ko. Pero no choice na ako. Waaaah!

"Heneral! Pakiusap, Bawiin mo ang inutos mong pagpapagarote!" Pikit mata kong sambit habang nakayakap sa kan'ya ng mahigpit.

Gosh! Parang any moment ay may sisirit na dugo sa ilong ko. Nakakahiya 'to!

Nang wala na naman akong marinig mula sa kan'ya ay agad akong tumingala ngunit pakiramdam ko ay tina-traydor ako ng sarili kong puso nang magtama ang aming mata sa maliit lamang na distanya.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon