KABANATA 21

3.6K 237 112
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 21 †
• Sa Ilalim ng Liwanag ng Buwan •

(Sophia's POV)

"Pahihintulotan mo ba 'ko kung hihilingin kong maging eskorte mo ngayong gabi?"

Eh?

A-nong sinabi n'ya?

"Pahihintulotan.mo.ba.'ko.kung.
hihilingin.kong.maging.eskorte.mo.
ngayong.gabi?"

Feeling ko na brain freeze ako at hindi ma-process ng utak ko ang sinabi n'ya.
Nakatulala pa din ako nang marinig ko ang usapan sa paligid.

"Ano't nandito ang Gobernador- Heneral?"

"Lalahok ba s'ya parada?"

"Sino ang binibining kan'yang inaanyayahan?"

Ugh. Masama 'to.
Malinaw kong naririnig ang usapan nila pero wala akong naiintindihan sa mga nangyayari.

Pumunta ba s'ya dito kasama ang mga Gwardya sibil para harangin ang parada at tanungin ako kung gusto ko s'yang maging eskorte?

Wait! S'ya ang Gobernador-Heneral sa panahong 'to! Nasisiraan naba s'ya?! Wait! Wait! panaginip na naman ba 'to? mabilis kong inangat ang kamay ko patungo sa kan'ya saka ko binatak ang pisnge n'ya at kumurap kurap.

"Sophia, anong ginagawa mo?"

Eh?

"Waaaaaah! H-HENERAL?!"
napahawak ako sa bibig ko ng marealized kong totoo s'ya at totoo ang lahat.

"Waaaah! Sandali! Sa west na ba sumikat ang araw kanina? Ok pa ba ang pagkakasunod ng mga planets sa outer space? Hindi pa ba guguho ang mundo?" Sunod sunod kong Tanong sa sarili ko habang kaharap ko s'ya at nginangatngat ang kuko ko sa kamay.

"Sophia."

"Waaaaaaah!" Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla s'yang nagsalita.

"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?"

"Ha? Tanong? Anong tanong?!"

Waaah! My mind turn totally black out now! Wala akong maintindihan sa nangyayari!

Nagsisimula na akong Pagpawisan ng malagkit ng biglang n'yang hawakan ang balikat ko.

"Hindi ko kailangan ang sagot mo dahil ngayong gabi gagawin ko na kung anong gusto ko."

"Ha?" Tila naistatwa kong tanong

Nagulat ako ng imbes na sumagot ay lumakad s'ya papunta sa tabi ko saka n'ya hinawakan ang kamay ko.

"Simulan na ang parada," sambit n'ya dahilan para kumilos na ang mga tao at tumunog ang rondalla.

Teka.

'yung kamay ko.

Waaaaah! 'yung kamay ko, Hawak hawak nya!

Ackkk! Mag hulis dili ka sophia, pakalmahin mo ang sarili mo! Magmumuka kang baliw pag biglang sumirit ang dugo sa ilong mo o kaya biglang bumula ang bibig mo.

"Sophia."

"Heneral!" Agad akong napalingon sa kan'ya ngunit ng magtama ang mata namin ay agad akong napatingin sa harap at nanigas na parang bato.

Napahawak ako sa dibdib ko.
Waaah! Hindi na maganda sa puso ko ang mga nangyayari! Hinihiling ko na sana ay biglang umulan o di kaya may dumaang mga tupa sa daraanan namin ng maramdaman kong humigpit ang hawak n'ya sa kamay ko.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon