KABANATA 6

4.4K 253 112
                                    

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 6 †

•Aɴɢ Pɪɢɪɴɢ : Uɴᴀɴɢ Bᴀʜᴀɢɪ •

Sophia's POV 

"Binibining Katarina." 

Napalingon ako sa babaeng kadarating lang at ngayon ay nakatayo sa harapan namin.

Napatitig ako sa kan'ya. Maputi s'ya at mamula mula ang kanyang balat, matangos din ang ilong n'ya at mapupungay ang bilog na bilog n'yang mga mata. Nadako naman ang tingin ko sa suot n'ya, nakaputing kamisa at panuelo s'ya habang dilaw naman ang magarbo n'yang saya.

Psh. Infairness ang ganda n'ya ha. Pero sino naman kaya ang isang 'to? base sa itsura n'ya sa tingin ko ay isa s'yang kastila at galing sa kilalang pamilya.

"Maari mo na ba silang bitawan?" mahinhin at pino n'yang utos.

"At bakit ko naman gagawin 'yon? alam mo ba kung anong ginawa nila?" pagtataray ko sa kan'ya.

"Hindi, ganun pa ma'y maari bang kumilos ka batay sa katayuan mo? 'wag mo hayaang masira ang reputasyon ng Gobernador-Heneral ng dahil lamang sa Pambatang gawain mo."

What? pambata? napanganga ako sa sinabi n'ya

"Hey! FYI! I didn't start this childish act!" protesta ko sa sinabi  n'ya.

"Hindi saklaw ng kaalaman ko ang wika na sinambit mo ngunit isa lang ang sasabihin ko. Ang dalawang Binibini na hawak hawak mo ay anak ni Don Juarez, isa s'ya sa pinaka mayaman at kilalang negosyante sa Pueblo na 'to kaya hangat maari ay bitiwan mo na sila. 'Yon ay kung ayaw n'yo masangkot sa gulo ang pangalan ng Gobernador-Heneral na s'yang KAPATID n'yo," anito sa mahinahon na tono habang diretsong nakatingin sa 'kin.

Napaisip ako sa sinabi n'ya.

"Whatever!" agad kong binitawan ang dalawang bruhang hawak hawak ko.
"Listen up, okay? ulitin n'yo pa ulit ang ginawa n'yo kay Isabel sisiguraduhin kong pilik mata n'yo lang ang matitirang buhok sa katawan n'yo! Gets?!" 

"Isa ka lang salta dito, mag ingat ka!" sambit ng nakapulang panuelo bago tuluyang tumalikod kasunod nang dalawa pang babaeng kasama n'ya na sa tingin ko ay mga kapatid n'ya.

"Whatever, powerpuffs!" sambit ko pagkaway hinawakan ko na si Isabel, "hali kana Isabel." Aya ko sa kan'ya, lalagpasan ko na sana ang babaeng tinatawag nilang katarina ng bigla n'ya akong hawakan sa braso.

"Hindi ko alam kung bakit nandito ka pero isa lang ang ipapaalala ko sa'yo. Hindi ko hahayaan na masira ang Reputasyon ng Gobernador-Heneral sa kan'yang mga nasasakupan ng dahil lang sa pakikipag simpatya sa isang indio," mariin n'yang sambit sa'kin pagkatapos ay tumingin s'ya sa noo'y nakayokong si Isabel.

Aha! mala anghel lang ang itsura n'ya pero mala bruha naman pala ang ugali n'ya!

"May sasabihin ako sa'yo," sambit ko dahilan para tumingin s'ya ulit sa'kin.
"Ang chaka mo!" sambit ko saka ako nag blee sa kan'ya.

Tila lumaki ang mata n'ya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.
Agad kong hinawakan si Isabel at tinalikuran na namin s'ya.

'Tsk. Kainis! sino ba s'ya?! 

• Aʀᴀᴡ ɴɢ Pɪɢɪɴɢ

"Masaya ako para sa inyo Señiorita dahil sa wakas ay maipapakilala na kayo sa madla mamaya," wika ni Isabel habang inaayusan ako na hindi ko naman masyado napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

Ilang araw na ako sa panahon na 'to ngunit hindi pa din ako bumabalik sa panahon ko. Masaya naman dito dahil buhay prinsesa ako pero parang may mali. ilang araw na ngunit hindi pa din sinasabi ng Heneral kung anong plano n'ya, kung bakit n'ya ako pinagpapangap na kapatid n'ya. Ni hindi n'ya nga ako magawang kausapin. Huling usap namin ay noong misa pa, simula noon kahit nasa iisang bubong kami nakatira ni hindi ko s'ya makita, Makausap pa kaya?

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon