KABANATA 17

3.1K 225 96
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 17 †
• Hiling •

( Sophia's POV )

"R-raphael?"
Tila natulala kong sambit.

"Ayos ka lang ba?" Untag nito sa 'kin ulit na para bang walang umaagos na dugo mula sa braso n'ya.

Paano n'ya ako nagagawang tanungin ng ganun na para bang wala s'yang iniindang sakit?

"Madali kayo, tulongan n'yo ang heneral," utos ni Katarina.

"Lumayo kayo," nagulat kaming lahat sa sinabi nito.

"Ngunit kailangan mong magamot. Pakiusap gamutin n'yo na s'ya."
Hahakbang na sana ako palayo para hayaang magamot nila ang heneral ng bigla n'ya akong hinawakan ng mahigpit sa kamay saka n'ya ako hinila papalapit sa kan'ya.

Nakaramdam ako ng kaba ng umarko ang sulok ng labi n'ya. "Sophia, batid mo ba kung gaano ako kasaya ngayon?" Nakangiti pero nagtatangis ang panga n'yang tanong.

"H-heneral, anong ibig mong sabihin?"

"Sa buong buhay ko hindi pa ako naiirita ng gan'to katindi. Sobrang Pagkairita sa puntong natutuwa na ako."

"Heneral, Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," sambit ko habang pilit na hinihila ang kamay ko sa kan'ya ngunit hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak n'ya sa 'kin.

"Alam mo bang iritang irita ako kanina pa habang nakikitang pinag-aagawan ng dalawang lalaki ang binibining dalawang beses nagtapat ng pag-ibig nya sa 'kin?"

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Paano nya nasabi 'yon gayung napakaraming tao dito? Wala na ba s'ya sa katinuan n'ya?!

"Ngayon, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para pawiin ang pagkairita ko. May maimumungkahi ka ba?" Nakangisi n'yang tanong

Kumabog ng husto ang puso ko dahil sa tanong n'ya. Sigurado akong May mali sa kan'ya.

"Señior Cervantes, sa pagkakataong 'to ang anak mo ang nagsimula ng gulo. Anong masasabi mo?" Baling n'ya dito. Tila namutla naman ito sa tanong ng Heneral.

"Sabihin n'yo kung anong nais n'yo Heneral," tila napilitan nitong tugon.

"Ipabitay si Miguel ngayon din," walang kagatol gatol nitong saad

"Heneral, pag-isipan n'yong mabuti and desisyon nin'yo. Madami pang paraan para parusahan ang aking kapatid."

"Maliban sa parusang kamatayan ay wala na akong ibang maisip na paraan para mapawi ang ang pagkairita ko ngayon."

"Ngunit heneral!"

"Gusto mo bang makipagpalit ng posisyon sa iyong kapatid, Señiorita Katarina?" Agad akong napatingin sa heneral na nooy naka hawak pa din sa 'kin.

Paano n'ya nasabi ng ganun kadali ang mga ganung bagay kay katarina?

"Katarina, 'wag kang makialam! Heneral, kung ganun, ang kagustohan mo ang masusunod," tiim bagang na sambit ng Don Cervantes.

Naalarma ako sa narinig ko.

Mga baliw na sila.

Akmang dadamputin na nila si miguel nang mabilis akong kumawala sa hawak ng Heneral at tumakbo ako papunta sa harapan ni Miguel.

"Heneral, bawiin mo ngayon din ang utos mo!" Sigaw ko.

"At kung tumangi ako?"

"Ipinangako mo..."
Napahawak ako sa saya ko.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon