KABANATA 30

2.6K 159 96
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                   Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 30 †
                           • Kasal •

( Sophia's POV )

"Gumising ka!" Naalimpungatan ako ng may malakas na kamay ang tumapik sa aking muka habang natutulog ako.

"Madali ka at magbihis ka!" Utos pa ulit nito sa 'kin ngunit hindi ko magawang makabangon agad dahil sa sakit ng katawan ko. Nanatili pa rin akong nakahiga ng bigla ako nitong buhusan ng tubig. Naramdaman ko na lang ang pag-nginig ng buo kong katawan ngunit ang hindi ko alam ay kung bakit tila para wala na akong maramdaman. Tila ba namamanhid na ang katawan ko sa sakit.

"'Pag sinabi kong tumayo ka ay tumayo ka!"sambit pa nito pagkatapos ay mabilis akong hinawakan nito sa panga.

Imbes na umiwas ng tingin ay tinitigan ko pa s'ya. Ilang sandali pa ay nadatnan ko na lang ang sarili kong nakasubsob sa higaan ng isang iglap lang ay sampalin n'ya ako ng ubod ng lakas, hindi pa s'ya nakuntento at agresibo n'ya pang hinablot ang buhok ko saka n'ya dinildil ang muka ko sa higaan.

Hindi ko alam kung bakit lumuluha pa din ako gayung hindi na ako nasasaktan.

"Bukod sa maganda mong muka ay wala ka ng maipagmamalaki, ano kaya kung kitilin ko na lang ang buhay mo?!" Gigil na gigil na sambit nito pagkatapos saka n'ya ako iniharap sa kan'ya

"Kung ganun ay bakit di mo na lang ako patayin?" Walang emosyon kong sambit.

"Bastarda!"
Akmang iiaangat n'ya na ulit ang
kamay n'ya patungo sa 'kin ng may kumatok sa pintuan ng silid ko.

"Nandito na ang Gobernador-Heneral at ang inyong anak, Don Cervantes."
Nang marinig nya 'yon ay patapon n'ya akong binitiwan saka s'ya tumayo.

"Madali ka at magbihis ka na."
Palabas na s'ya ng humarap s'yang muli sa 'kin

"Kung ikinagagalak mong makikita mo ulit Ang Gobernador-Heneral pwes ako na ang nagsasabi sa'yo, sa ikalawa na ang kasal nilang dalawa ng aking anak na si Katarina kaya kung ako sa'yo, itigil mo na ang kahibangan mo." Napangisi s'ya pagkaway tuluyan na s'yang lumabas.

Natulala na lang ako sa narinig ko.

Ikalawa?
Hindi ko alam ngunit sa puntong 'to ay parang tuluyan ng gumuho ang mundo ko.

Napayakap ako sa tuhod ko. "Tama na ang kahibangan mo, Sophia. Tapos na kayong dalawa."

Tumayo ako at pinilit kong inayos ang sarili ko sa kabila ng mga galos at pasa ng katawan ko.

Huminga ako ng malalim saka ako humakbang pababa ng hagdan. Napigil ko na lang ang hininga ko ng masayaran ko ng tingin si raphael.

Nang makita kong hawak hawak n'ya ang kamay ni Katarina ay agad akong Napaiwas ng tingin. Hindi ako makahinga. Para akong sinasakal.

"Magandang umaga, Heneral. Magandang umaga, Señiorita Katarina," nakayoko kong bati ng makalapit ako sa kanila

"Ano't nakayoko ka? Tumingala ka!" Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa panga ni Don Cervantes at sapilitang pinatingala.

saktong pag-angat ko ng ulo ay ang pag-tama ng mata naming dalawa ni Raphael.

Ng mga oras na 'to ay hindi ang sapilitang pagpapatingala sa 'kin ni Don Cervantes ang sumasaksak sa puso ko kung hindi ang mga titig ni Raphael sa 'kin.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon