EPILOGO

4.1K 213 130
                                    


"Mahal ko, kahit anong mangyari, hintayin mo ako."

Hindi ko batid kung ano ang ibig mong sabihin sa huling salitang binangit mo pero gan'un pa man ay naniwala akong 'yon ang gusto mong sambitin.

Ang hintayin kita.

Gaya nu'ng unang beses, nag-antay ako sa'yo, mahal ko.

Nag-antay ako sa'yo hangang sa
Lumipas ang isang buwan.

Ang dalawang buwan.

Ang isang taon.

Ang tatlong taon.

Ang isang dekada.

Hangang sa ikasal si Jel.

Nang isilang n'ya ang una n'yang anak.

Nang isilang ang apo n'ya at maging ang apo n'ya sa tuhod, hangang sa wala na akong makitang itim na buhok sa ulo ko ngunit,

hindi gaya nu'ng una ay hindi ka dumating, mahal ko.

Matapos ang ilang taong pag-hihintay ay du'n ko lang napagtanto kung ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo.

Hindi ang 'hintayin mo ako' kung hindi, 'hihintayin kita' ang nais mong iparating.

Kung alam ko lang na 'yon ang ibig mong sabihin ay matagal ko na sanang tinapos ang ilang taong pangungulila ko sa'yo, mahal ko.

Huminga ako ng malalim pagkaway
napangiti akong muli nang maalala ko ang ka una-unahang beses na nagkita tayong dalawa.

Pitungpu't dalawang taon na ang nakakalipas pero malinaw pa din ito sa 'kin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Maging ang sakit na naramdaman ko nu'ng huling beses tayong nagkasama, ay ramdam ko pa din sa dibdib ko, mahal ko.

"Lola Sophia, ulitin ko po ba?"
Hindi na malinaw sa paningin ko ang muka ng batang nasa harapan ko maging sa pandinig ko ang sinabi n'ya ngunit pinilit ko pa ding ngumiti.

Nang marinig kong muli ang kantang 'Binibini' ni Zack Tabuldo ay nag-umpisa na namang tumulo ang luha ko.

"Lola Sophia, bakit sa tuwing pinapatugtog n'yo ang kantang 'to ay umiiyak kayo?"

Dahil nahihirapan na akong magsalita ay inangat ko na na lamang ang buradong larawan ni raphael na hawak hawak ko sa aking kanlungan.

"Ah! Si Ginoong Raphael. siguro ay masaya s'ya ngayon dahil ika-isang daang kaarawan nyo ngayon, lola."

Napangiti ako.

Kung masaya s'ya ngayon o hindi, 'yon ang hindi ko tiyak.

Marahan akong pumikit habang inaalala ang itsura ng muka n'ya bago s'ya nawala.

Hindi ko na napigilan at parang ilog na nag alpasang muli ang mga luha ko sa mga mata ko.

Hangang ngayon ay hindi ko pa din matangap na namatay s'ya mismo sa mga bisig ko at ang masakit pa dun ay bumalik ako agad sa mundo ko na parang walang nangyari.

Walang bakas ng kakilanlan n'ya.

Walang bakas sa kung paano kami nagkakilala.

Walang bakas sa kung anong mga naganap sa pagitan namin.

Walang bakas kung paano kami nagkahiwalay.

At higit sa lahat walang bakas sa wagas na pag-iibigan naming dalawa.

Bumalik ako sa mundo ko na para bang hindi nangyari ang lahat.

Napahawak ako ng mahigpit sa larawan n'ya.

Sa Pitungpu't dalawang taon na nag-iintay ka sa 'kin Marahil ngayon ay inip na inip ka na, mahal ko.

Patawarin mo ako mahal ko at inabot ako ng matagal sa mundong 'to pero ngayon..

Ngumiti ako ng mapait habang patuloy pa rin na umaagos ang mga luha ko.

Sumenyas ako sa apo ni Jel upang lumapit sa 'kin.

"Ano po 'yon, Lola?"

"A-apo, k-kailangan ko ng umalis."

"Lola?" Sambit nito na nginitian ko lamang. Nagtaka ito sa sinabi ko kaya Nagmadali itong tumakbo palabas.

Marahan akong pumikit habang tumutulo ang luha ko.

"Mahal ko, papunta na ako."

                              -WAKAS-

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon