KABANATA 2

5.2K 343 128
                                    

• Aɴɢ Uɴᴀɴɢ Pᴀɢᴋɪᴋɪᴛᴀ : Uɴᴀɴɢ Bᴀʜᴀɢɪ •

Sophia's POV

"Hindi 'to maari!" Wala sa sarili kong sambit.

Napasulyap pa ako nang isang beses sa paligid na kinaroroonan namin. Halos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko nang makita kong para nga akong bumalik sa panahon ni Jose Rizal.

Gosh! anyayare sa'yo, Sophia? Bakit ka nag-hahalucinate? Tama, nasisiraan na ako!


Tinapik tapik ko ang pisnge ko para magising pero mas malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanang nasa ibang panahon, mali! lugar? o mundo? waaah! nasaan ako?!

Pakiramdam ko ay tinatakasan na ako ng bait nang lumapit pa ang matabang lalaki na nasa harapan ko at marahas akong kinabig sa bewang papalapit sa kan'ya. Halos masuka ako nang makita ko ng malapitan 'yung pagmumuka n'ya. Marami itong pekas at malangis langis pa, at ano ba 'tong pores n'ya? Bakit ang lalaki?! As in, Full pores! Mygosh!

"Besh, Ako na bahala sa pagpapabelo mo, skincare, derma, or face transplant, so please, let me go!" Tili ko habang nagpupumiglas sa kan'ya.

"Cualquier otra cosa que digas, ¡eso es para mí ahora! ( kahit ano pang sabihin mo, sa 'kin kana ngayon!) sambit nito sabay halakhak diretsa sa muka ko.

"Shocks! ang baho ng hininga mo!" Sigaw ko nang nagpahalakhak pa sa kanya. Halos lumuwa naman ang mata ko nang nilapit niya pa ang muka niya sa muka ko at ngumuso siya na parang lulunukin niya ako ng buhay, ngunit napamulagat pa ako nang humalakhak siya at bigla akong bitawan.

"Ouch! Yawa! Ang sakit nun ha!" Napahawak ako sa pwetan ko habang nakasalampak sa sahig.

"Indio, ven aquí y lleva a mi novia a su habitación." (Indio, halika rito at ihatid mo sa kan'yang kwarto ang mapapangasawa ko.)

Wait! Ano daw?

"Vístela, perfúmala y arréglala para nuestro coito más tarde!" (bihisan, pabanguhin at ayusan mo s'ya para sa pagniniig namin mamaya!) Napakunot na lang ako ng noo nang tumawa ulit s'ya ng napakalakas.

Geez! Naglalangis na ba pati ang utak n'ya at tawa s'ya ng tawa? Nawala lang ang pag-kakunot ng noo ko nang may makita akong lumabas na babae mula sa kung saan at lapitan ako. Sa tingin ko ay isa s'yang Filipina, at mukang ka edad ko lang.

"Lo quiero listo después de tomar un baño. tú entiendes?" (gusto ko handa na s'ya pagkatapos ko maligo. naiintindihan mo?) Pagkasabi nu'n ng matabang kastila ay iniwan n'ya na kami.

"Halina po't ihahatid ko na po kayo sa inyong silid, mahirap na po kung maabutan pa tayo dito ng Alcalde Mayor dito," nakayokong wika nito sa 'kin.

Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya dahil bigla ko na s'yang yinakap. "Waaah. Finally, nakarinig na din ako ng tagalog. Mygosh! Kanina pa gustong sumirit ng dugo sa ilong ko dito! Teka, nasaan ba ako? bakit ako nandito? Asan tayo?" Napangiwi na lang ako ng mariin s'yang tumitig sa 'kin at para bang pinag iisipan n'ya ng mabuti 'yung mga sinabi ko.

"Aish! Aigooo!" Wala na akong nagawa kung hindi itikom ang bibig ko at sumunod sa kan'ya.

Arg! Nasaang planeta ba ako?' Kung ano ano na ang naiisip ko nang makarating kami sa silid na sinasabi n'ya.

"Wow!" Tanging nasambit ko ng makapasok kami sa kwartong pinagdalahan n'ya sa 'kin.

Laglag panga ko pang iginala ang paningin ko upang tignan mabuti ang kwarto. Halos magkulay pula ito dahil sa fully varnished nitong sahig at mga haliging kahoy. Nadako naman ang tingin ko sa malalaking bintana na kanariwan nang makikita sa mga lumang bahay noong panahon ng kastila, may magagandang lace curtain din 'yon na s'ya namang nagpalakas ng Spanish era feels nito.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon