KABANATA 1

8.6K 376 219
                                    


Sɪ Sᴏᴘʜɪᴀ ᴀᴛ ᴀɴɢ Lɪʙʀᴏ



Sophia's POV


"Girl, ang boba mo! Nasaan ba ang brain mo? Nasa ulo mo o nasa suso mo?" Nakangiwi kong reply sa post ng sikat na artista sa twitter.

Beep*

"@phia maka bash ka naman. Gan'yan na ba mga grade 11 ngayon? Inuuna pa ang mag-tweet kesa mag-aral?"

Napataas ako ng kilay sa nabasa ko. Aba't babaeng 'to! Muka ba akong grade 11?!

"@bish Hoy! Isa ka pa! Pareho kayo ng idol mong mula ulo mukang paa! 3rd year na ako! Boba ka ba? Sampalin kita ng ID. Bet mo?" Nakataas ang kilay ko pa ring reply.

Beep*

"@phia 3rd year? What school? Your uniform seems familiar and even you. Shocks! Wait! Don't tell me, ikaw 'yung viral girl? Yeah, ikaw nga! the viral idiot poetic girl."

Shocks! nakilala n'ya ba ako? Arg! Dapat kasi dummy account ang ginamit ko. Waaah! No way! Saka ang tagal na n'un! Paano n'ya nalaman?

Beep*

@bish tagged you in a reply.

My jaw dropped abruptly when I watched the video she responded to.

Teka, San n'ya nahalungkat 'to? Pinadelete ko na 'to sa mga IT ni daddy!' Napa lip bite na lang ako ng wala sa oras.

Beep*

@phia HAHAHAHAHA. Is it you right? 'Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang tahong.' Hahahahah! Tahong ka girl? Kaka taehyung mo 'yan. Aral muna bago kpop ha? Palibhasa puro anyeong nasa twitter mo. BOBO!"

Wtf? For real? Bakit isda din naman ang tahong ah! Teka, isda nga ba? Aish. Whatever! 'Di ko maalala! saka ano naman kung puro ako anyeong? Bakit ginagamit din naman 'yon dito sa pinas 'diba? Annyeong lupa, annyeong dagat. 'Hays. Walang utak!' bulong ko.

Nakakainis naman kasi ang dulaan na 'to, bakit sinali pa ako ni daddy d'un. Kung hindi lang para sa ticket ng BTS di ko papatusin 'yon.

"@bish Maka bobo ka ah! Matalino ka ba? Related ka ba kay Rizal? Ako oo! Gusto mo Pa-sampal kita sa lahat ng ninuno ko. Bet mo?" Gigil na gigil kong reply.

"@bish Cancelledt kana! Cancelledt!" Pahabol ko pa. Hinahighblood n'ya ako eh.

Pero, totoo naman 'yung sinabi ko. Ancestor ko si Jose Rizal. Kaya nga naging historian si Daddy eh. Yeah. Share ko lang.

Nag-aantay ako ng reply ni @bish nang maramdaman kong may kumalabit sa 'kin.

"Tss. Shu away!" Walang lingon kong sambit habang nakangalumbaba at mariing nakatingin sa screen ng phone ko. Ilang minuto pa'y naramdaman ko na naman 'yung pangangalabit n'ya.

"Ano ba?! Bakit ka ba kalabit ng kalabit! KALABIT-PINGE KA BA? HA?! NAKAKAI—" Napahawak ako bigla sa bibig ko. "G-Good morning po Ms. Mendoza," napangiwi agad ako nang marealized kong si Mrs. Mendoza pala 'yung nasa harap ko. 'Kaloka! Kailan pa s'ya nanj'an?'

"I don't think you're even aware that we've been lecturing for almost 30 minutes here, Ms. Alonso." mataray at nakakatakot nitong saad na nag-payuko sa 'kin.

"Sorry Miss, pero naiintindihan ko naman po 'yung equation," nakayuko ko pa ring sagot na s'ya namang naging dahilan para tumawa lahat ng kaklase ko sa room.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon