KABANATA 10

3.4K 222 55
                                    

       ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
       ~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                     † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 10 †         
               • Aɴɢ Kᴀᴘᴀʜᴀᴍᴀᴋᴀɴ •

( Sophia's POV )

"S'ya ang Nobya ko."
Tila nalalaglag ang panga ko sa narinig ko.

"What? Nababaliw ka na ba?!" Magkasalubong ang kilay kong tanong na nagpangisi lang sa kan'ya.

"Kaya kung dudukutin n'yo ako ay mas mabuting ng isama n'yo na rin ang kasintahan ko dahil kung papakawalan n'yo s'ya ay maari pa s'yang magsumbong sa ama n'yang Heneral," mahaba n'yang saad sabay akbay sa 'kin.

Wow, ano bang trip ng isang 'to?
At paano n'ya nalaman na konektado ako sa Heneral at sira ba s'ya? Hindi ko ama ang Heneral, asawa ko, ok? Asawa ko! Charot! Pero may sira talaga ang toktok n'ya!

"Hoy! tigilan mo nga ako ng kalokohan mo! Ngayon lamang kita nakilala. Anong sinasabi mong nobya mo 'ko? Sampalin kaya kita? Ano, bet mo?" Tinaasan ko s'ya ng kilay pagkatapos ay tumalikod na ako.

Mukang di ko rin naman makukuha ang brootch kaya mas mabuti pang umalis na ako.

Pahakbang na ako ng biglang may humawak ng braso ko.

"Pasensya kana binibini ngunit hindi ka namin hahayaan na makaalis,"
sambit ng parang pinunu ng mga tulisan.

"Ha? At bakit?" Laki mata kong tanong

"Madali kayo at kunin n'yo and dalawang 'to." Utos pa nito.

"Ano?! Hindi maari kas–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla silang may pinaamoy sa 'kin dahilan para tuluyan akong mawalan ng malay.




Gruuum~

Napadilat ako ng mata nang maramdaman ko ang sarili kong t'yan.

"Marahil ay gutom kana." Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig kong may nagsalita. 

"Teka, nasaan ako? Sino ka?" Natataranta kong tanong.

"Nakatulog ka lang nakalimutan mo na agad kung sino ang nobyo mo."

Nobyo? Shocks! Naalala ko na!

"Ang kapal ng muka mo! Sino ka para sabihing nobya mo ako?! Nakita mo, Dinakip tuloy nila ako, kasama mo! Siraulo ka!" Sambit ko ng maalala ko na ang mga nangyari kanina. Kung hindi lang nakatali ang kamay at paa ko kakalbohin ko talaga ang lalaking 'to. Grrr!

*Grrrrum*

"Hindi ko alam kung saan nangagaling ang lakas mo para sumigaw gayong mukang gutom na gutom kana."

"Manahimik ka! kasalanan mo 'to! Bakit mo ba naman kasi ako sinama dito? Ha? Ngayon paano tayo  makakatakas dito, ha?!" Nangigigil kong tanong.

"Bakit kaba galit na galit? Ayaw mo ba ako makasama dito? Kaya ko nga sinabi na nobya kita para makasama mo pa ako. Pasalamat ka nga dahil ikaw lamang ang Binibining binigyan ko ng prebelihiyo na makasama ang magandang lalaking tulad ko."

Ay wow! Sampalin ko kaya ng alpombra ang lalaking 'to ng mabawasan ang kahambugan n'ya?

"Paanong hindi ako magagalit ha? Alam mo bang gabi na! Marahil ay hinahanap na ako–" Napahinto ako bigla ng may maalala ako.

"Umuwi ka bago magdilim dahil may pupuntahan tayo mamayang gabi."

Napahawak ako sa bibig ko.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon