KABANATA 14

3.4K 212 124
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 14 †
•Ang Dalaga sa Corregimiento•

( Sophia's POV )

"Sophia, lumapit ka sa 'kin-NGAYON DIN!"

napatda ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang punong otorisadong boses ng Gobernador-Heneral.

Sa ilang buwan na nanatili ako sa panahong 'to ngayon ko lamang narinig ang ganung tono n'ya.

Lumunok muna ako bago dahan dahang humarap sa kan'ya ngunit nang magtama ang mga mata namin ay agad akong natigalgal.

"Lumapit ka," sambit nitong muli habang ditetsong nakatingin sa mga mata ko.

Napalunok ako ulit dahil para akong hindi makakilos sa kinatatayuan ko pero sigurado ako na kapag hindi ako sumunod sa kan'ya ay may mangyayaring hindi maganda.

Kahit naninigas ang buong katawan ko ay inangat ko ang binti ko para humakbang papunta sa kan'ya ngunit hindi pa ako nakakakilos ng biglang may humawak ng braso ko.

"Sophia." Napatda ako nang makita kong si Miguel ang humawak sa 'kin.

Shete miguel! Hindi n'ya ba alam ang ginagawa n'ya? Hindi n'ya ba nakikita kung gaano na kaseryoso ang gobernador-Heneral ngayon? Gusto n'ya na ba mamatay?

Akmang hihilahin ko na sana sa kan'ya ang braso ko ng isang kisap mata lang ay may espadang dumaan sa harap ko. Pigil ang hiningang napatitig ako sa espada ng Heneral na ngayon ay nakatutok na sa muk'a ni Miguel.

"Sabihin mo lang, handa kitang paslangin ngayon din kung 'yon ang nais mo, Miguelito Cervantes."

"Heneral, ano bang ginagawa mo?!" Lahat kami ay gulat na napatingin sa naluluhang si Katarina.

"Sophia, halika dito," seryosong sambit ulit ng Heneral na para bang hindi n'ya narinig si Katarina.

Ano ba talagang nangyayari sa kan'ya? Bakit s'ya nagkakagan'to?

Nang magsimulang balutin ng katahimikan ang lugar na kunaroroonan namin at unti-unti na kaming napapalibutan ng mga tao ay nagsimula na akong kabahan.

Napahawak ako ng mahigpit sa saya ko. Tama, Ako ang nagsimula ng lahat ng ito kaya ako din dapat ang tumapos nito.

Dahan dahan akong humakbang papunta sa Heneral habang mahigpit pa ding nakahawak sa saya ko. nang sa wakas ay nasa tapat n'ya na ako ay napatitig ako sa mata n'yang parang lalamunin ako ng buo kapag nanatili pa din akong nakatitig dito.

Ilang minuto lang ako nakatitig sa kan'ya ng mapansin kong lumambot ang titig n'ya sa 'kin ngunit ang mas lalong kinagulat ko ay ang biglang paglapat ng likod ng palad n'ya sa pisnge ko.

"Pasaway," Sambit n'ya bago s'ya napaiwas ng tingin.

Nang tumalikod s'ya ay doon ko lang napagtanto na pinanusan n'ya pala ang luhang tumulo mula sa mata ko.

"Alperes, aalis na ako," Malumanay na ang boses n'yang sambit pagkatapos ay humakbang s'ya. hindi pa s'ya nakakalayo nang humarap s'yang muli sa'kin.

"Hahayaan kitang Manatili ngayong gabi dito ngunit ipapasundo agad kita oras na sumikat ang bukang liwayway bukas," sambit nito

Nang buong akala ko ay tatalikod na s'ya ay nagsalita s'yang muli. "Sophia."

Hindi ko alam pero biglang kumabog ng husto ang puso ko.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon