KABANATA 18

3.3K 230 135
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 18 †
• Kasalukuyan x Nakaraan •

(Sophia's POV)

"Señiorita, mukang napa-aga ata ang inyong pagbabalik." Nakangiting bungad sa 'kin ni Isabel.

"Isabel..." Tanging nasabi ko bago ko s'ya yakapin

"Señiorita, anong problema?"

"Isabel, patawarin mo ako hindi ko natupad ang pangako ko."

"Ang alin, Señiorita?"

"Ang umuwi ng masaya," sambit ko at tuluyan na akong umiyak.

"Teka, ano bang problema?"
Kumalas s'ya sa'kin sa pagkakayakap.

"Isabel, Isabel...Ang Heneral." Napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"Binasted ako ng Heneral." Hindi ko na kinaya at napatungo na ako sa tuhod ko at umatungal ng husto.

"Hindi ko alam kung anong mali sa 'kin, Panget ba ako Isabel? Hindi ba ako ka nais-nais? Sa ikatlong beses na nagtapat ako sa kan'ya hindi man lang s'ya inabot ng ilang minuto bago ako tangihan, Ora mismo binasted n'ya ako na para bang kahit na kailan ay hindi ako naging ka-aya ayang binibini sa kan'yang harapan."

"Sophia, kumalma ka muna. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kahit anong mangyari andito lang ako sa iyong tabi. Tumahan ka na.

Sa tabi mo?
Nang marinig ko ang sinabi n'ya ay lalo akong napahikbi.

"Isabel.."

"Hindi na mangyayari 'yon dahil bukas na bukas din ay aalis na ako dito," sambit ko dahilan para mabigla s'ya.

"Papasok na ang Gobernador-Heneral." Pareho kaming napatigil ni isabel nang marinig ang anunsyo ng gwardya sibil.

Alam n'yo kung anong mas masakit?
'Yung pareho kayo ng uuwian ng taong nangbasted sa'yo.

Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako sa harapan n'ya.

Sa kwarto ko binuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung gaano pa ako katagal iiyak pero sobrang sakit talaga.

Isang timba na ata ang nailuluha ko nang maramdaman kong bumigat na ang talukap ng aking mata.

Kinabukasan

"Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi at kung bakit bigla ang pagdedesisyon ng Heneral na ipatapon ka sa bayan ng Sta. Elena pero nawa'y mahismasan na s'ya at bawiin n'ya na ang kanyang desisyon," malungkot na wika ni isabel.

"'Wag na tayong umasa, Isabel. Masasaktan lang tayo," sambit ko habang nakayuko.

"'Wag mong sabihin 'yan Señiorita, malakas ang pakiramdam ko na ano mang araw ay ipapakuha ka ulit ng heneral."

"Di bale na lang. Hindi na ako aasa sa walang pusong lalaki na 'yon. Magsama sila ni katarina."

"Señiorita..." Nangingilid ang luha nitong sambit at pagkaway inabot n'ya ang aking kamay.

"mag-iingat ka palagi doon. Kapag may oras ako ay dadalawin kita, Hindi ko din kakalimutan na sulatan ka," naiiyak na sambit nito dahilan para mangilid din ang luha ko.

"Ikaw din Isabel."

"Bueno, kanina pa nag-aantay ang karwahe sa'yo mabuti pa ay umalis ka na para di ka na abutin ng dilim sa daan."

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon