KABANATA 9

3.6K 245 149
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 9 †
• Pʏᴇsᴛᴀ ɴɢ Bᴀʏᴀɴ •

( Sophia's POV )

"Señiorita gising! Señiorita!"
Napabalikwas ako ng bangon ng yugyogin pa ako ni Isabel.

"Ano ba 'yon isabel? Bigay na bigay?"
pupungas pungas kong sambit

"Madali kayo, Señiorita! nais ng Heneral na sumabay kayo sa kan'ya sa agahan." Tila ba nagising at automatic akong napabangon sa sinabi n'ya

"Ano pa inaantay mo Isabel, I'm born ready," nakangiti kong wika sabay bangon sa higaan.

"Aba't mukang masigla na ulit kayo, samantalang hindi ko man lang kayo makausap kagabi."

Hindi makausap kagabi?
Napatingin ako bigla sa malayo para mag isip. napakunot na lang ang noo ko ng maalala ko ang mga nakita ko kagabi.

Humiga ako ulit sa kama saka ako nagtalukbong ng kumot. "Lumabas kana isabel, Ayoko makasabay ang lalaking 'yon!"

Muntikan ko ng makalimutan kung gaano s'ya ka-pakboy, At anong iniisip n'ya? Bakit gusto n'ya ako makasabay sa hapagkainan? Sino ba s'ya sa tingin n'ya? Akala n'ya ba ay marupok ako? Manigas s'ya!

"Ngunit kanina pa po s'ya naghihintay sa hapagkainan."

"Talaga?" Napabagon ako ulit ako

"Opo."

"Waaah! 'Wag ka ngang tukso, Isabel!"
No! Hindi! ayokong makita ang muka n'ya!

"Lumabas kana Isabel, sabihin mo sa kan'ya na hindi ako sasabay!" Sambit ko ulit ng ilang minuto pa ay hindi pa din s'ya nagsasalita

"Ano ba isabel? Ayoko nga!" Sambit ko pa.

"Ayoko nga isa-isabel? Arg! Nasaan na s'ya? Shocks! Nagpapabebe lang ako lumabas na s'ya agad? Wala na bang susuyo sa'kin dito? Mygosh!"
Napatalukbong na lang ulit ako ng kumot.

God. I feel unworthy.
Wala bang saysay ang buhay ko sa panahong 'to? Napasinghot ako.

Nag-ddrama pa din ako sa ilalim ng kumot ng biglang may tumapik sa paahan ko.

Psh. Tapos ngayon, babalik balik s'ya?

"Sinabi ko na sa'yo, Isabel. Ayoko nga!" Sambit ko pero tinapik n'ya ako ulit.

"Ano ba, Isabel! 'wag mo nga ako pilitin! Kahit s'ya na lang ang nag-iisang gwapo at makisig dito sa panahong 'to ay hindi pa din ako sasabay sa kan'ya kuma-" Napahawak ako sa bibig ko ng makita kong hindi si Isabel ang nasa harap ko nang tangalin ko ang kumot

Pakiramdam ko ay biglang nawala lahat ng dugo sa katawan ko.

Wtf? Anong ginagawa ng isang 'to dito? Acckkk! Narinig n'ya ba lahat ng sinabi ko? Napalunok ako ng makita kong nakakunot ng husto ang kan'yang noo.

"Sayang lang ang paulit-ulit mong pag-tangi dahil kanina pa wala si Isabel."

"Hehe. Kanina pa ba wala dito si isabel," napakagat ako ng labi.

Teka, bakit ba s'ya nandito? Anong akala n'ya crush ko pa s'ya? Ha! No way! Inuncrush ko na s'ya! Kagabi lang! Di'ba s'ya na informed?

Nag-cross arms ako at tinaasan ko s'ya ng kilay. "Oh anong kailangan mo? Bakit nandito ka sa kwarto ko? Ha? Ha?" Mataray kong tanong ngunit Napaliyad ako ng yumuko s'ya para lumapit sa 'kin.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon