KABANATA 28

2.6K 151 116
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                   † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 28 †
              •Pagkasuklam at Pighati •

(Sophia's POV)

"Gabrielle?"

Pangiti na ako sa kan'ya ng bigla s'yang umiwas ng tingin."Gabrielle, bakit nandito ka? Kamusta ka na?"

"Sa tingin ko'y hindi ngayon ang tamang oras para magkamustahan, Sophia."

"A-anong ibig mong sabihin?"
nalilito kong tanong sa kan'ya

"Sophia.." Sambit n'ya saka s'ya napakuyom ng kamao n'ya.

Hindi ko alam kung anong gusto n'yang sabihin pero bigla akong kinabahan. "ano 'yon, Gabrielle?" Pigil ang hininga kong tanong

"Sophia, wala na si Isabel."

Wala na si isabel?
Anong ibig n'yang sabihin?

"Gabrielle, paanong wala? Pwede bang linawin mo ang sinasabi mo."
Nag-angat s'ya ng ulo at matiim akong tinitigan sa mata.

"Patay na si Isabel, Sophia."
Walang kagatol kagatol n'yang tugon

Ilang segundo akong natulala sa narinig ko ngunit agad din akong natawa. "Ngunit kakatangap ko lamang ng liham mula sa kan'ya at base sa sulat n'ya ay aamin na s'ya kay Alperes, kay Jullian, kaya Kalokohan 'yang sinasabi mo, Gabrielle," sambit ko saka ako tumawa ulit ngunit hindi ko alam kung bakit parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.

"Alam kong mahirap paniwalaan pero 'yon ang katotohanan, Sophia."

"Wala akong panahon para makipaglokohan Gabrielle, maari bang tumabi ka na dahil naghihintay pa sa 'kin si Raphael." Akmang lalagpasan ko na s'ya ng bigla n'ya akong hinawakan sa braso

"Natagpuan ang bangkay n'ya bago pa ang itinakdang pagkikita nila ni Jullian. Ginahasa si isabel, sophia!"

Pakiramdam ko ay natulilig ako sa narinig ko at naistatwa ako sa kinatatayuan ko. ni hindi ako makagalaw, ni hindi din ako makahinga, para akong binuhusan ng isang timbang yelo at ramdam na ramdam ko hangang kalamnan ang panginginig ng katawan ko.

nakatingin lang ako sa kawalan hangang sa hindi ko na namamalayan na unti unti ng lumalabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo sa 'king mata.

"Hindi maari! Kailangan kong makita si Isabel, nasaan s'ya? dalhin mo 'ko sa kan'ya, Gabrielle!" Sambit ko habang di 'ko namamalayan na umaagos na ang luha ko.

Pahakbang na kami ng biglang may pumasok sa isip ko.

Si Raphael.

Napahawak ako ng mahigpit sa saya ko ng paglingon ko sa kan'ya ay nakita ko s'yang taimtim na naghihintay pa rin sa 'kin habang nakatitig sa isang bagay na hindi ko batid kung ano.

Huminga ako ng malalim.
Kasabay ng pagtalikod ko sa kan'ya ay ang pagtulo ng luha ko.

Mariin akong pumikit.
Mukang hindi pa ata ang tamang oras para maging masaya tayong dalawa, mahal ko.

"Patawad, Raphael."




Nanginginig akong humakbang papasok sa isang malamig at madilim na silid habang nakatitig sa isang bangkay ng isang taong natatakpan ng itim na tela.

Pakiramdam ko, ano mang oras ay mabubuwal ako ngunit nilakasan ko ang loob ko at patuloy na nilapitan ito.

Lumunok ako ng ilang beses bago ko Dahan dahang tinangal ang tela na nakatabing dito. 

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon