KABANATA 24

2.8K 202 161
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 24 †
• Bulaklak sa Pader •

( Sophia's POV )

"Ikinagagalak ko ang maging kapareha mo, señiorita louisa."
Sambit ni raphael na s'yang kinalaglag ng panga ko.

Teka, anong ibig sabihin nito?
Tama ba ako ng narinig?
Si Louisa? Bakit si louisa?
Paanong naging si louisa?!

nakatulala pa din ako sa kanila ng biglang may humawak sa braso ko, bago ko pa maealized kung sino s'ya ay nadala n'ya na ako sa asotea.

"Ano't mukang nais mong maging eskorte ang lahat ng lalaki dito at tangihan ang s'yang taong gusto mo? Ano? Naalog na naman ba 'yang ulo mo?" Tanong ni Gabrielle habang nagtatangis ang panga nito sa 'kin.

"A-Anong ibig mong sabihin? At bakit ko nanaiisin na maging kapareha ang lahat ng lalaki dito gayung ang Heneral ang gusto ko!" Agad kong binawi sa kan'ya ang braso ko.

"Kung gayun bakit mo iwinawasiwas ng husto ang iyong abaniko sa mga lalaking hindi mo gusto at itiniklop ito sa taong gusto mo?!"

"Anong mali sa ginawa ko?! 'Yon ang sinabi sa 'kin ni rapha-teka, 'wag mo sabihing..." Tila napatda ako sa narealized ko, Napahawak naman s'ya sa sintido n'ya at pagkaway napabuga ng hangin.

"Ang pag-paypay sa abaniko ng isang dalaga sa harap ng isang lalaki ay tanda na gusto n'ya ito samantalang pagtiklop naman ang tanda bilang pagtangi." Huminto s'ya sa pagsasalita pagkaway yumoko s'ya sa papalapit sa 'kin.

"At Isandaang porsyentong ipupusta ko na ang sinabi ng aking kapatid ay kabaligtaran ng sinasabi mo."

Napahawak ako sa bibig ko.
Para akong binuhusan ng yelo sa narinig ko.

Ghad! Anong ginawa ko?
Kung gayun, 'yon ba ang dahilan kung bakit lahat ng lalaki kanina ay pumunta sa likod ko at...

Napakagat ako ng labi.

"Ikinagagalak ko ang maging kapareha mo, señiorita louisa."

Shocks! Sophia, Anong kagagahan na naman ang ginawa mo?! Boba ka ba talaga?! Teka, hindi maari 'to! Kailangan kong kausapin ang Heneral!

Iniwan ko mag-isa si Gabrielle sa asotea at mabilis akong tumakbo papunta sa bulwagan, nang makarating ako doon ay agad na hinanap ng mata ko si Raphael ngunit bumagsak lamang ang balikat ko ng makita kong kausap na silang dalawa ni louisa ng nag-oorganisa ng kotilyon.

Napatigil ako sa paglalakad.

Huli na ba ako?

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa nang maramdaman kong may humawak ng balikat ko.

"Hindi bagay sa'yo ang maging malungkot, nagmumuka kang aso."

"Gabrielle.." Hindi ko alam pero nung tumingin ako sa kan'ya ay para akong maiiyak.

"Teka, sandali, ano't naluluha ka? Wala akong ginagawa!" Tila Natataranta n'yang sambit nang makita n'yang nangingilid ang luha ko.

"Gabrielle," sambit ko ulit sa puntong parang maiiyak na ako.

Nagulat ako ng bigla n'yang iniharang ang palad n'ya na sa sobrang laki ay sapat na upang takpan ang buo kong mukha.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon