KABANATA 4

4.6K 344 306
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 4 †
•Aɴɢ Dᴀʟᴀɢᴀɴɢ Gᴀʟɪɴɢ Sᴀ Hɪɴᴀʜᴀʀᴀᴘ•

( Sophia's POV)

"Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Wala sa sarili kong tanong habang nakangiti ng todo at nakatitig sa gwapo n'yang muka.

"Ano?"

"Ha?" Tanong ko

'Teka, ano bang sinabi ko?'
Waaah! Boba! Napangiwi na lang ako nang marealized ko ang sinabi ko.

"Maari ka na bang umalis sa ibabaw ko?" kunot noo nitong tanong.

"Ay! Haha! Sorry!" Nasabi ko na lang sabay tayo mula sa pagkakadagan sa kan'ya.

Nagpapagpag lang ako ng damit nang mapatingin akong muli sa kan'ya. "Omg! Ang tangkad." naibulalas ko nang makita ko s'yang tumayo

Napatitig ako sa kabuuan n'ya.
Nakakamangha dahil wala pa ako sa balikat n'ya. Mula sa tindig n'ya ay Nadako naman ang tingin ko sa suot-suot n'ya. Mas lalo s'yang nagmukang matikas dahil sa uniporme n'yang suot na pang militar, asul iyon na maraming star at may sash pa, Dahil siguro s'ya ang Gobernador-Heneral. mula sa damit n'ya ay napatingin ako sa balikat n'ya, napakagat ako ng labi ng wala sa oras ng mapansin kong napakalapad n'on, ganun din ang kan'yang dibdib.

Napaiwas ako ng tingin.
Pakiramdam ko bigla akong namula.
Gosh! ano kayang feeling ng sumandal doon? Waaaah! Isipin ko pa lang kinikilig na ako. Kainis, ang hitad mo talaga Sophia!

Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso sa kan'ya. Oras na makipag-flirt, charot! I mean,
Magpapasalamat ako.

Pabuka na ang bibig ko nang bigla n'ya akong hilahin at kabigin paikot sa likod n'ya. Pakiramdam ko ay parang napunta lahat sa likod ang itim ng mata ko dahil sa ginawa n'ya.

"Hangal!" Sambit n'ya matapos saksakin ang lalaking kanina pa pala naka amba sa likuran ko.

Dama ko pa din ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa paghila n'ya ng mapansin ko ang ayos namin. Ewan, pero lihim akong napangiti.
Dahan dahan pa akong sumandal doon at inamoy 'yon.

'Gosh. Amoy baby s'ya. i kenat!'

Singhot pa din ako ng singhot sa likod n'ya ng mapansin kong kunot noo na s'yang nakatingin sa 'kin.

"Anong ginagawa mo?" Magkasalubong ang kilay n'yang tanong. Nagulat na lang ako ng walang anoy-anoy bigla n'ya akong tinulak.

Aw, grabe naman s'ya makatulak!

"Alperes, sino ba itong babaeng tangan tangan mo?" Naka kunot nitong tanong sa lalaking nagligtas sa sa 'kin kanina.

Wow? babae talaga? Pwede naman babe or hon! Haha charot!

"S'ya ang dalagang anak ni Don Bernardino. balak sana s'yang gawing esposa ng Alkalde Mayor, mabuti at naagapan ko."

"Paano mo nabatid na s'ya nga ang anak ng Don?" Tanong nito habang tinititigan ako mula ulo hangang paa.

Kinabahan ako bigla sa tanong n'ya.
nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'yon. paano 'pag nalaman nilang hindi ako ang anak ng Don? wait, bakit ako kakabahan, eh hindi ko naman kiniki-claim na anak ako ng Don! sila nga 'tong nagpupumilit na anak ako ng Don! At sino bang Don 'yon! Mygosh!

"Wait, there's a huge misunderstanding dito, hindi ako--"
Halos manlaki ang mata ko ng biglang hinugot ng Heneral ang espada n'ya at itutok ito sa 'kin. "Waaah! Ano ba?!" Sigaw ko sabay taas ng dalawa kong kamay.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon