KABANATA 20

3.5K 254 171
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

† Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 20 †
• Ang Muling Paghaharap •

( Sophia's POV )

"hindi ko nais na may ibang taong humahawak sa aking nobya."

Wait.

Whaaaaaat?! Anong nobya?
Anong pinagsasabi n'ya?!!

Tila binalot ng katahimikan ang bulwagan dahil sa sinabi ni gabrielle.

"Nobya, huh?" Narinig kong sambit ni Raphael pagkatapos ay ngumisi s'ya.

Tumitig muna ito bago tuluyang tumalikod. "isang bagay lang, Gabrielle."

"Sabihin mo, Heneral..."

"Angkinin mo na lahat ng babaeng maibigan mo 'wag ka lang magkakamali sa isa..."Huminto s'ya pagkaway humarap s'ya ulit kay Gabrielle.

"Dahil ang babaeng 'yon ay walang ibang nag mamay-ari kung hindi ako." Matalim ang titig n'yang sambit,
"Naiintindihan mo?"

ngumisi lang si Gabrielle bilang tugon.

"Me voy!" (Aalis na ako!)
Pagkasabi n'ya n'un ay lumabas na s'ya sa bulwagan kasama ang mga gwardya sibil.

Pag mamay-ari nya?

Anong ibig n'yang sabihin doon?
Bagay pa din ba ang tingin n'ya sa 'kin o may iba pang dahilan?

Hindi kaya?

Badum*
Badum*

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Mabuti pa'y umalis na tayo bago pa bumalik ang baliw kong kapatid." Tila lumabas lang ang sinabi ni Gabrielle sa kabila kong tenga dahil sa okupado na ang isip ko ng mga sinabi ng Heneral.

Hindi sa assumera ako.
Pero posible kayang?

May gusto na s'ya sa 'kin?

Waaaaaaah! Sige mag-assume ka pa.

- Kinabukasan -

(Note: flores de mayo started year 1854 pero dahil batas tayo gagawin nating 1850. Lol)

"Binibini, batid mo ba kung ano ang flores de mayo?" Biglang tanong ni Gabrielle habang kumakain kami.

"Flores de mayo? 'yon ba 'yung parada ng mga patay?"

"Saan ka nakakita ng mga patay na pinaparada?" Kunot noo nitong tanong sa 'kin.

"Aba, malay ko! Sinasagot lang kita no!"

"Sa susunod si asul na ang tatanungin ko dahil may saysay pa ang kahol n'ya sa sagot mo."

"Whatever! Ang aga-aga nagsisimula ka ng away! Iuuntog na kaya kita sa abs ko? Ano? gusto mo?"

"Anong abs?"

"Noo mo may abs!"

"Idiota, ang Flores De Mayo ay pyesta nagaganap tuwing buwan ng mayo at tradisyon na tuwing pyesta ang pagkakaroon ng parada na tinatawag na Santacruzan-"

"Omg! 'yon ba y'ung parada ng magaganda? Don't tell me, isasali mo ako doon?"

"Bakit maganda ka ba? Kung nais mo sa Parada kita ng mga aso isasali."

"Nakakatawa 'yon?!"
Inisnob n'ya lang ang sinabi ko.

"Dahil sa nangyari sa pagpupulong nung nakaraang araw, kalat na sa bayan na may nobya ako at sa kasamaang palad gusto kang anyayahan ng kura-paroko na sumali sa darating na Santacruzan bukas."

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon