PROLOGO

8K 405 50
                                    


~ Pʀᴏʟᴏɢᴏ ~

-Kasalukuyan-

Taong 1850, panahong kasagsagan ng pamamayagpag at pananakop ng bansang Espanya sa bansang Pilipinas ng may isang Misteryosa at Loka lokang babae ang biglang—Wait, Erase! Erase! Bakit loka loka? Maganda dapat, 'di ba? ok sige, let's replaced it.

May isang misteryosa at magandang babae ang biglang lumitaw na s'yang pinagkaguluhan ng lahat at usap-usapang nanggaling pa sa hinaharap.

Tila ba naging isang sirkus para sa kan'ya ang panahong dapat ay katakot takot ng s'ya ay dumating.

Maayos na sana ang lahat ngunit may isang tao ang pilit inuusig at nag-dududa sa pagkatao at lugar na kanyang pinangalingan at 'yon ay walang iba kung hindi ang pinaka mataas na opisyal sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, walang iba kung Hindi ang nakakatakot, nakakakilabot, iniiwasan at diktador—Sandali!

Parang hindi pa sapat 'yung adjective na ginamit ko para i-define ang lalaking 'yon.

Tama! Kulang pa dahil isa s'yang demonyo, halang ang kalukuwa, kupal, epal, mayabang, hambog, siraulo, mapagmataas, makasarili, abnormal at...

At..

Naihagis ko ang ballpen na hawak ko
sabay sabunot sa sarili kong buhok.

nakakayamot! Kahit ano pang isulat ko laban sa kan'ya ay wala akong karapatan! Dahil sa kabila ng mga bulok na katangian na meron s'ya ay Pinakagagalang, nirerespeto, at walang sino man ang gugustuhing banggain s'ya.

Napabuntong hininga ako.

Ano bang pinaglalaban ko?

At ano nga namang laban ko sa kan'ya kung akoy isang hamak na damong ligaw at higit sa lahat, s'ya ang...


GOBERNADOR-HENERAL.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon