KABANATA 5

4.6K 275 171
                                    

      ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
      ~  Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~ 

                   † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 5 †
                •Sᴏᴘʜɪᴀ Mᴀʟᴅɪᴛᴀ•

( Sophia's POV )

"Ang babaeng ito ay pag mamay-ari ko!"

Eh?

Ano daw?

Pag mamay-ari n'ya?

huuuuh?! Ako? Pag-mamay ari n'ya?!Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay biglang nag-init ang pisnge ko.

Teka, hindi ba masyadong maaga para sabihin n'yang pag mamay-ari n'ya ako?

Napaisip ako.
Ok sige, kahit masyado pang maaga para doon pero kung 'yon ang gusto n'ya waaah! Push! Sino ba ako para tumutol? Kaya Go! pag mamay-ari n'ya na ako! Lol

"Dahil s'ya ang nag-iisa kong kapatid."
Mabilis pa sa alas kwatrong napa- angat ako ng ulo.

Ha? Wait.

Kapatid?

Nang tumingin ako sa kan'ya ay biglang umarko ang sulok ng labi n'ya. 

Tila ba napalitan ng gamu-gamu ang paru-parung na sa t'yan ko at
Dahan dahang gumuho ang mundo ko.

Nabingi ba ako?

Tama ba ako ng narinig?

Kapatid?

Ako at ang Heneral?

Magkapatid?



"Seniorita, maari bang 'wag kayo masyadong magaslaw," naiinis
na wika ni Isabel dahil kanina pa ako hindi mapakali. Muntikan na ako matawa sa itsura n'ya.

"Iyan. Tapos na," Sambit n'ya nang matapos akong tulongan makabihis.

"Napakaganda n'yong Binibini Señiorita, napaka kinis at kay puti ng inyong balat, matangos din ang iyong ilong at natural na mapupula ang inyong mga labi at mapupungay naman ang inyong mga mata na may mahaba at mayabong na pilikmata. Sa wari ko ay hindi magkakaunda gaga ang mga kalalakihan oras na masilayan kayo sa Misa mamaya."

Para bang naglakihan ang tenga ko sa papuri sa 'kin ni Isabel dahilan upang mapatingin agad ako sa salamin na nasa harap ko.

Para akong sasayaw ng cariñosa sa buwan ng wika pero infairness dito sa suot ko. Bonga!

Kulay itim ang mahaba kong saya na may burda ng puting bulaklak na bahagyang nakabuka habang translucent color pink naman ang kamisa ko na naibababawan ng puti na Panuelo

"Masyadong sosyal at magarbo 'tong suot ko. Hindi ba 'to masyadong OA?"

"Para po sa isang myembro ng kilala at maharlikang pamilya at bilang kapatid ng Gobernador-Heneral, Nararapat lang po ang iyong suot."

Kapatid ng Gobernador-Heneral?

Napakunot ako ng noo.
Ayoko tangapin ang katotohanang 'yon! I mean, sayang ang ka-gwapuhan n'ya kung magiging kapatid ko lang s'ya

"Ang ganda at napakalambot din ng 'yong buhok. Tila ba para itong buhok ng manyika dahil sa matingkad nitong kulay dahilan para ito'y mas lalong kuminang," nakangiting saad pa ni isabel habang sinusuklay ang mahaba kung buhok.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon