KABANATA 32

2.8K 163 67
                                    

ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                   † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 32 †
             • Magkaibang Mundo•

(Sophia's POV)

"Sophia, anong oras na?! Mali-late na tayo sa audition!"

Sinulyapan ko si Jel na noo'y naka kunot ang noo sa labas ng classroom namin. Napangiti na lang ako nang makita ko ang sa itsura n'ya.

"Mauna ka na. Susunod na lang ako," nakangiti kong tugon

"Okay, ikaw bahala, una na ako. Sumunod ka ha?!" Nang tumango akong muli ay umalis na s'ya.

Tumayo ako at inayos ko ang mga libro ko. Habang tinitiklop ang mga gamit ko ay bigla na lang may nalaglag na kapiraso ng papel sa sahig mula sa mga ito.

Nang akmang dadamputin ko na ito ay bigla akong napahinto.

Hindi ko alam pero automatikong tumulo ang luha ko nang makita ko ang muka ng lalaking nakaguhit sa kapirasong papel na ngayon ay nasa sahig.

Nang pagmasdan ko ang muka n'ya ay may kung anong dumagan sa dibdib ko at hindi ako makahinga.

Ang mala-abo n'yang mga mata, ang malago n'yang kilay, ang matangos n'yang ilong at ang perpekto n'yang
muka ang araw-araw na gumugulo sa isipan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ko batid kung bakit sa t'wing nakikita ko s'ya ay may bahagi ng puso ko ang nagsasabing kilala ko s'ya at hindi lamang kami tanging sa panaginip nagkadaupang palad kung hindi sa totoong buhay mismo.

Ngunit kahit gaano ko pa man s'ya kagustong alalahanin ay walang nangyayari dahil hindi ko talaga s'ya maalala.

Napatingin ako sa malayo matapos ko itong damputin

Para sa 'kin isa lang s'yang bahagi ng bangungot na nangyari sa 'kin limang buwan na ang nakakaraan.

Bangungot na naging sanhi ng traumatic shock na naging dahilan para hindi ako makapagsalita ng ilang buwan.

Lahat ng nangyari sa bangungot na 'yon ay tila ba hindi kapani-paniwala.

Ang pagpunta ko sa sinaunang panahon. Ang kamatayan ng babaeng nangangalang Isabel at ng lalaking nangangalang Jullian ng dahil sa 'kin, ang pagkulong sa 'kin sa kwartel, Ang pagmamaltrato sa 'kin ng lalaking nangangalang Don Cervantes at higit sa lahat ang pagdanak ng dugo mismo sa aking harapan.

Lahat 'yon ay tinuring kong bangungot na ayoko ng alalahanin pa simula ng magising ako limang buwan na ang nakakalipas.

Ngunit, ngunit isang araw.

Nakuyom ko ang papel.

Akala ko maayos na ang lahat.

akala ko bangungot lang ang lahat.

Akala ko nakatakas na ako sa nakakakilabot na bangungot na 'yon.

Nang bigla na lang bumalik ang diwa ko at du'n ko lang narealized na para akong may nakaligtaan.

Parang may bahagi ng bangungot na 'yon ang nakalimutan ko at kailangan kong alalahanin. 

Hangang sa isang umaga,
Nagising na lang ako habang lumuluha at nakatulala.

Nadatnan ko na lang ang sarili kong may hawak na lapis at papel habang ginuguhit ang muka ng isang lalaking hindi ko kilala. 

Ang eksena habang nakaluhod s'ya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko ang paulit-ulit kong napapanaginipan nitong mga nakaraang araw.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon