KABANATA 7

3.7K 221 135
                                    

       ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ
        ~ Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ ~

                    † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 7 †
    •Aɴɢ Pɪɢɪɴɢ : Iᴋᴀʟᴀᴡᴀɴɢ Bᴀʜᴀɢɪ  •

( Sophia's POV )

"Watdahel?!" Lalo pa akong napamaang nang makita kong magtama ang mga mata ng Heneral at ni Katarina at lihim silang ngumiti sa isa't isa.

Wow. Seriously?! can somebody tell me what happened just now?! At kailan pa s'ya natutong ngumiti?
ni hindi n'ya nga ako magawang tignan tapos 'yung babaeng 'yon, nginitian n'ya? Wow as in wow!

"Isabel, nakita mo ba 'yon? Nakita mo ba?! Palihim silang nag-ngitian! Mygosh! I kenat!" Tila umuusok na ang ilong kong sambit.

"Señiorita, kumalma lamang kayo. Namumula na po ang magkabilaan n'yong pisnge dahil sa selos."

"Selos!?" Mataas ang tono kong tanong dahilan para mapatingin ang ibang tao sa amin. "Hindi ako nagseselos Isabel, ano kaba!" Pabulong kong wika.

"kung ganun ay bakit parang umuusok na ang tenga at ilong n'yo sa galit?"

"Ha? Kaloka ka! Can't you see, I'm just chillin like villain here. You know!"

"Tsilin layka bil–Ay ewan kopo sa wika nin'yo, Señiorita! Pero subukan n'yo pong pakalmahin ang sarili n'yo at 'wag masyadong magselos."

"Selos ka ja'n! Anong pinagsasabi mo Isabel! Bahala ka nga!" Napa-cross arms ulit ako dahilan para matawa s'ya.

Nakakunot pa din ang noo ko nang matanaw kong nagsimulang maglakad ang Heneral sa direksyon ni Katarina ngunit ang nakakapagtaka ay nilagpasan n'ya ito pagkaway huminto s'ya sa likuran nito.

So what are they planning to do na ngayon na magkatalikuran na sila?

Naka concentrate lang ako sa kanila ng biglang napunta sa likod ng Heneral ang kamay n'ya ganun din si katarina. Tuluyan ng nalaglag ang panga ko ng mas malinaw pa sa sikat ng araw na nag-hawakan sila ng kamay.

Wtf?! Totoo ba 'to?
Wow! They are so sneaky as fvck! That Heneral! Wow! hoy! Andito lang ako! How dare him?! Gosh! I kenat! 

"Isabel! Tignan mo dali! Dali! Magkahawak sila ng kamay! Waaah! Have they lost their mind? Andito lang ako! Mygosh! Mga traydor!" Agad kong pinihit ang muka ni Isabel patungo sa direksyon ng Heneral at ni Katarina ng ayaw n'ya ako pansinin.

"Magkahawak kamay? Saan?"
Tanong n'ya. Napakusot ako ng mata ng makita kong hindi na magkahawak ang kamay nila. 

"Waah! Nooo! Kanina magka holding hands sila! Dahan dahan pa nga ang Heneral, pagkatapos PLOK! Magkahawak na sila ng kamay!Waaah! mga hitad! I can't believe my eyes, Isabel!"

"Señiorita, maari bang kumalma kayo? At sa nakikita ko ay magkatiluran lamang sila habang kausap ng Heneral ang ama ni Señiorita Katarina. Kung ano ano na po ang nakikita n'yo sa sobrang selos."

"Hey! Sabi ng hindi ako nagseselos!"
Napa-dekwatro na lang ako ng paa dahil sa inis.

"Señiorita! Ang paa nin'yo!"

"Ah! Ewan ko sayo!" Hindi ko s'ya pinansin at patuloy ako sa pagdekwatro habang nakangalumbaba sa isang kong kamay habang nakapatong ito sa hita ko.

Napaangat ulit ako ng kilay nang makita kong ngumiti na naman ang Heneral nang nagkatinginan sila ni katarina.

Gosh! How to unsee! I think i need to wash my eyeballs! Nakakaloka!

Hindi na ako mapakali sa upuan ko ng biglang nag iba ang tugtog. mula sa masigla at nakakaindak na musika napalitan ito ng romantikong kanta.
At isa-isang namang nagtayuan ang kalalakihan pagkatapos ay lumapit sila sa mga kababaihan pagkaway iginaya nila ito papunta sa gitna para sumayaw.

AKO AT ANG GOBERNADOR-HENERALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon