Naya's Point of View
"See you again, Troye."
Nag-paalam na kami kay Troye ng matapos ang picture taking. Sumakay na kami sa kotse at agad niya itong pinaandar. I opened the conversation about when and how did he and Troye become friends. Matapos ang usapang 'yun ay naging tahimik na ang byahe namin. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
"Salamat sa pag-hatid." Sabmit ko at in-unbuckle na ang aking seat belt. Nakita kong pinapanood niya lang ako at nung napansin ko 'yun ay may biglang pumasok na ideya sa isipan ko.
"Lux." He raised a brow as his response.
"Gusto mo munang pumasok sa bahay?" I asked and he's a bit shocked. Maybe he's not expecting that I will invite him over my house.
Ngayon ko lang din kasi na-isip na parang ilang beses niya na 'kong na-ihatid pero ni minsan hindi ko pa siya naayang pumasok sa bahay even just for a while.
"Sure." He nodded. He unbuckled his seat belt and we went outside of his car.
Palakad pa lang kami ay parang kinakabahan na 'ko. Hindi pala ako nag-paalam kay Mama at baka magulat na lang siya na may kasama akong lalaki at baka kung ano pang isipin o 'di kaya magalit pa siya.
I just shook my head, bahala na nga at isa pa hindi naman ganung klaseng babae si Mama, e. She's kind and caring. I looked at Lux and he seems calm.
Pumasok kami sa pinto ng bahay at agad akong sinalubong ng isa naming maid. "Hello, Naya. Hello po, Kuya." Lux gave him a small smile.
"Hi, Ate. Nandito na ba si Mama?" Bungad ko. Sa-sagot na sana siya ng biglang sumulpot si Mama. Pababa siya ng hagdanan at mukhang kapapalit lang niya ng damit.
"Naya, saan ka galing?" Tanong nito habang papalapit sa'min.
"Sa isang fundraising event po, Ma." Agad siyang ngumiti ng marinig ang sagot ko.
"That's so generous of you. Why didn't you inform me? Sana nakapag-donate o nakapag-sponsor man lang din ako." Pag-tatampo niya. Tuluyan na siyang naka-lapit sa'min.
"Biglaan po kasi, e. Anyway may kasama pala ako. Si Lux." Pag-papakilala ko sa lalaking kasama ko.
"Good evening po, Ma'am." Pormal na bati ni Lux, he even bowed.
"You don't have to be formal, Lux. You can call me Tita already." My mother smiled to us amusingly. Please, stop doing that, we are not as you think.
"He's my friend and Kuya's friend." Pag-didiin ko agad para matigil na si Mama sa pantasya niya.
"Okay, friend! Let's all go to the dining room para sabay-sabay na tayong kumain." Nanguna na si Mama papuntang kusina. Sumunod na kami ni Lux sabay upo. Nag-uusap lang kami about sa event kanina at sa iba pang bagay.
"Just like Nasiv. He's taking the same course too." Komento ni Mama ng sabihin sa kaniya ni Lux ang kinuhang course nito. Nag-patuloy pa kami sa kainan hanggang sa natapos. Dumiretso kami sa sala at kasama pa rin namin si Mama.
Piling ko tuloy biglang bantay-sarado niya sa'kin.
"Nasan nga pala si Kuya, Ma?" Tanong ko dahil hindi ko pa siya nakikita.
"He informed me that he's with Dexter." Sagot ni Mama at tumayo na rin ako.
"Akyat lang ako saglit para mag-palit." Tumango lang sila at nag-patuloy sa pag-uusap. Mukhang nag-eenjoy naman silang mag-usap, e.
Mabilis akong umakyat at nag-palit ng damit. Agad din akong lumabas at bumaba. Makalipas ang kalahating oras at napag-pasyahan na ni Lux na umuwi. Medyo gabi na rin kasi, e.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...