Naya's Point of View
"Kuya?"
Naka-upo kaming pareho ni Lux sa mag-katabi pero mag-kabilaang silya sa sala. Habang si Kuya naman ay naka-upo rin sa harapan namin at maiigi kaming tinititigan. Ang dating tuloy naming dalawa ni Lux ay para kaming iniimbestigahan dahil pareho kaming suspek sa isang krimen.
Narinig namin ang pag-bukas ng pintuan at nilabas nito sila Kayla at Mama. Nag-lakad sila palapit sa'min.
"Nasiv nag-uwian na ang iba at kasama ko na rin ang judge." Tumingin sa'min si Kayla at halatang nag-pipigil siya ng tawa. Matapos lang talaga 'to sasambunutan ko talaga siya.
"Nasiv what is happening at bakit parang ine-examine mo ang kapatid mo at si Lux?" Ngayon tunog kakampi namin si Mama pero mamaya n'yan after ng revelation, kakampi na siya kay Kuya lalo na sa case namin ngayon.
"The show is already started na po kasi, Tita. Meron po ba kayong popcorn?" Kakalbuhin ko talaga 'tong babaeng 'to, e. Bakit ba kasi hindi na siya sumabay sa iba umuwi?
Ah, alam ko na. Gusto lang maki-tsismis.
"Okay, so what is the tsismis. Paki-update na 'ko, please." Saad ni Mama at nag-palipat-lipat ang tingin niya sa'min.
I looked at Lux and he's so compose and determined. Ang tapang niyang tignan habang nakikipag-sabayan ng tingin kay Kuya. Muli akong tumingin kay Kuya at hindi pa rin nag-babago ang ekspresyon nito mula pa kanina, seryoso pa rin siya.
Ayoko ng ganyan siya, Kuya naman, e.
"Naya. Lux." His voice was in stern that made me gulped. Galit ba siya? Hindi naman siya ganito sa mga nauna kong boyfriend, ah. Bakit parang ang seryoso niya pag-dating kay Lux?
Mas lalo tuloy akong kinakabahan, his posture and voice were enough to make me feel nervous. Paano pa kaya kung dagdagan pa ni Mama? Ano ng gagawin namin?
"Say it." He commanded.
"Naya and I are now together."
Lux announced without any hesitations. Tumingin ako kay Kuya at walang pag-babago sa mukha nito. Mukhang expected na nga niya. Samantalang si Mama naman ay nanlalaki ang mga mata sa gulat. Habang si Kayla naman ay malapad ang ngiti sa'min. Sobra-sobra na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to lalo na ngayong alam na nila.
The nervous flowing through my body was suddenly faded when I felt Lux's hand holding mine. I glanced at him an he gave me a small smile. Napa-ngiti rin ako. Syempre, dapat mag-salita rin ako.
"We're now together." Matapang na sabi ko at nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa'min si Mama at pareho niya kaming niyakap ni Lux.
Naguguluhan ako pero niyakap ko na lang din si Mama. Anong nangyayari?
"Sabi na nga ba at bagay na bagay kayong dalawa, e." Masaya niyang sabi.
"Teka, teka, teka! Ano 'yun, Ma? Ganun lang? Matapos nilang mag-tapat na sila na yayakap ka na lang?" Parang batang nag-rereklamo si Kuya. Kumalas naman si Mama sa pag-kakayakap sa'min at pumwesto sa gilid ko.
"Masaya kasi ako. Bakit, Nasiv? Ano bang gusto mong maging reaksyon ko? Mag-sungit ako, ganun?" Nakahalukipkip na ngayon si Mama at parang kakampi na namin siya ngayon.
"Hindi naman, masaya rin naman ako para sa kanila pero wala ka man lang bang i-tatanong sa kanila? Nag-lihim sila ng slight." Depensa pang muli ni Kuya sa kaniyang sarili. Sinabi ba niyang he's happy for us?
"Asus! Parang hindi ka rin naman nag-lihim sa'kin nuon. Ang dami mong naging girlfriend pero ilan lang ang pinakilala mo sa'min." Pag-bubuking ni Mama at nalaglag na lang ang panga ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
Roman d'amourNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...