Warning: R-18.
Naya's Point of View
"Nurse. Suarez, pwede ka ng ma-discharge overmorrow."
Mabuting balita sa'kin ng doctor ko. Kaka-tapos lang din ng daily check-up ko sa kaniya. Mabuti naman at malapit na 'kong ma-discharge. Pakiramdam ko mas lalo akong lumakas.
"Thank you po ng marami, Doc." Pasasalamat naman ni Mama sa kaniya.
Sinukbit ng doctor ang kaniyang stethoscope sa leeg nito. "You're welcome, Ma'am. Nurse. Suarez is one of the best nurses here in our hospital. She's the CNO here, she's the nurse that genuinely implements best possible and compassionate care and I know that she also deserves that treatment, too." Sabi niya. Na-touch naman ako ruon. Agad namang napa-ngiti si Mama. "I'll go ahead na rin po." He excused himself and my Mom thanked him for the last time.
"I'm so proud of you, anak." Niyakap naman ako ni Mama. Na-overwhelm siguro siya sa compliment sa'kin ng doctor.
"Thank you, Ma." I replied and it's a nice morning. Si Mama ang kasama ko kahapon at hanggang mamayang gabi. Nag-sasalit-salit sila sa pag-sama sa'kin dito sa hospital. Kailangan pa rin kasi talaga na may kasama ako sa room. Hindi pwedeng mag-isa.
Tumingin kaming dalawa sa pintuan ng bumukas ito. "Nurse. Sanggre!" Agad namang tumakbo palapit sa'kin si Levy at niyakap ako.
"Are you feeling well or are you still sick?" She asked at parang na siyang maiiyak. Ang cute talaga niya.
"I'm good na Levy. No need to worry about me." I assured to her and gave her a smile. Tumingin naman ako sa mga kasama niya at naruon sila Lux, Ate Lillian, Lexie and even Maryse. Kumpleto sila? Meron silang dala na mga basket of fruits and even flowers. Para ba sa'kin 'yun? Nakakahiya naman at nag-abala pa sila.
"Good afternoon po. Kayo po siguro ang Mother ni Naya? I'm Lillian po, elder sister ni Lux." Ate Lillian introduced herself and walked towards my Mom.
"I am her mother. Ay kapatid ka ni Lux. Magandang hapon. Tuloy kayo." Pag-tanggap sa kanila ni Mama. Pumasok naman sila sa loob. Medyo confuse pa rin ako.
"We heard from Lux that Naya got into an accident and we decided to pay a visit for her. May mga dala rin po kami." Sabi pa ni Ate Lillian. Ang dami pala nilang dala. Bukod pa sa basket ay meron din silang mga tupperwears na may lamang pagkain.
"Salamat. Nag-abala pa kayo." Sagot ni Mama at nag-usap pa silang dalawa ni Ate Lillian.
Lux walked towards my bed. "How are you? Are you feeling more better?" He asked. Tumabi siya kay Levy na naka-yakap pa rin sa'kin hanggang ngayon.
Tumango naman ako. "Much better." I replied. Lumapit na rin sa'min si Lexie at Maryse. Hindi naman ako maka-tingin sa kaniya ng diretso.
"We meet again." She said. "How are you?" Tanong niya ngayon. I still don't understand why does she needs to be here.
"I'm fine." Sumagot na lang din ako. Mabuti na lang at kinu-musta rin ako ni Lexie kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"She insisted to come. I'm sorry." Lux whispered at ngumiti na lang ako. Hindi naman sa ayaw ko na naririto si Maryse. Naiilang lang kasi ako sa kaniya.
Maya-maya ay nag-yaya na rin si Mama na kumain kaming lahat. Breakfast foods pala ang dala nila at meron pa para mamayang tanghali. Sabay-sabay kaming kumain at nang matapos ay nag-stay lang sila rito. Hindi rin nag-tagal ay umuwi na rin sila dahil dumalaw lang talaga sila sa'kin. Ayaw pa nga ni Levy na umalis pero kailangan niya na rin dahil may pasok pa siya, e. Duon ko lang din napansin na naka-suot pala siya ng uniform.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...