Chapter 13

162 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

Nag-tatakang tanong ni Alice. Tinitigan ko lamang siya, nag-tataka rin ako kung ano at bakit siya naririto. Ayoko na sana pang mag-isip pero hindi ko talaga maiwasan.

Bakit naman nasa condo ni Lux si Alice? Anong ibig sabihin nito?

"A-alice--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita kong sumilip si Lux, nanlalaki ang mga mata at nakahinto habang nakatingin sa direksyon ko.

Ah, gets ko na ngayon.

"Naya--"

"I'm sorry." Mabilis akong umalis sa tapat ng unit niya. Narinig ko pa ang pag-tawag nilang dalawa sa'kin pero hindi ko na sila ni-lingon pa.

Nakakahiya naman at naka-abala pa 'ko sa kanila. Ang gaga ko rin kasi, e. Ang sakit!

Dumiretso ako sa elevator at nag-pindot ng kahit na anong floor. Hindi ko alam pero ng bumukas 'to ay lumabas na lang din ako at tsaka ko na lamang din napansin na ako'y nasa car park. Tumuloy lang ako ng lakad ng marinig kong bumukas muli ang elevator.

"Naya!" Pag-tawag sa'kin ng isang boses at sigurado akong si Lux 'yun. Hindi ko naman 'yun pinansin at nag-patuloy lang sa pag-lalakad. Hindi na namin kailangan pang mag-usap. Wala na kaming pag-uusapan pa.

Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko at hinatak 'to. "Naya, it's not what you think." Paliwanag niya agad pero hindi ko pa rin siya nililingon.

"You don't need to explain, Lux." Umiling ako sabay pwersahang hinatak ang aking kamay tsaka lumakad muli paalis.

"God, Naya, you're confusing me!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag-sigaw niya. Lumingon ako sa kaniya at nakikita ko sa mukha nito na naguguluhan siya at parang galit.

I'm confusing him? In which and what way? E, ako nga 'tong naguguluhan sa'ming dalawa, e.

"You've been avoiding me for five fucking straight days and in those days until now I have been thinking if I had done or said anything wrong to you. Pero tangina wala talaga akong maisip na dahilan, e! Because the last time we talked we were fine then suddenly--"

Hindi na niya tinuloy ang kaniyang sasabihin bagkus pumikit at huminga na lang ng malalim. Kinakalma ang kaniyang sarili.

"Naya, sabihin mo nga. May nagawa ba 'kong mali?"

Kagat labi lang akong nakatitig sa kaniya, wala akong alam at hindi ko alam na may epekto pala sa kaniya ang pag-iwas ko. Pareho kaming tahimik at pinakikinggan lamang ang tunog mula sa kotse hanggang sa mawala ito.

"Sa maikling panahon, nakilala natin ang isa't-isa and we're good. Ilang beses mo na 'kong hinatid sa bahay, dinalhan mo 'ko ng lunch, inaya mo 'ko sa isang event, you even invited me over to your condo. And you met me on that night. At lahat ng 'yun ay naging meaningful sa'kin. Lahat ng 'yun ay minahal ko. However, I told myself I wouldn't get my hopes up kasi pakiramdam ko ako lang ang nakakaramdam nun, e, but there is a part of me was hoping for more. Hoping that these aren't all platonic, yet I'm scared. I'm scared that you will not feel the same way." Napa-awang ang labi niya sa mga sinabi ko.

"And I'm sorry if I'm confusing you. You didn't do anything wrong pero gusto ko na malaman mo na naguguluhan din naman ako. Patong-patong na kasi 'yung mga katanungan sa isipan ko at lahat ng 'yun ay wala akong balak na tanungin ka at patuloy na iwasan ka na lang pero matapang akong pumanta sa'yo at ngayon nandito ako sa harapan mo kasi Lux, gusto kita." Halos maiyak na 'ko.

"Gustong-gusto kita, Lux."

Muli kong pag-ulit pero wala naman akong makita na kahit na anong ekspresyon sa mukha niya. Kinakabahan naman ako sa mga ikini-kilos niya ngayon pero nasabi ko na, e. Nasabi ko na sa kaniya ang totoong nararamdaman ko.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon