Chapter 18

157 7 0
                                    

Naya's Point of View

"Be early tomorrow because at exact 6:00 A.M the school service will depart. Walang excuses at walang vip. Class dismiss!"

Our prof announce at nag-paalam na rin kaming lahat bago lumabas ng classroom. We will have an extracurricular activity tomorrow and it will occur in one of the famous hospital in Manila.

"Excited na 'ko bukas. Siguro alas kwatro pa lang ay gising na 'ko." Pag-bibiro ko dahil nasasabik na talaga ako. 

"Huwag ka na lang kaya matulog." Sabay halakhak ni Ava. "Pero alam mo may tulog ka man o wala, mas maganda pa rin ako sa'yo." 

"Ganun? E, bakit ako may jowa ikaw wala?" Ako naman ang tumawa ngayon, akala niya, ah.  

"Marami kayang gustong manligaw, ayoko lang talaga." Proud pa niyang sabi. 

"Ganda mo naman. Oo na, see you tomorrow na lang." Paalam ko at nag-hiwalay na kaming dalawa ng daan. Wala akong duty ngayon pero tutungo naman ako sa paborito naming bench ni Lux at duon kami mag-kikita.

Kumunot ang nuo ko ng makita ko siyang naka-upo na sa bench at hinihintay ako. Tapos na ba ang klase nila?

Mabilis naman akong tumakbo palapit sa kaniya sabay bulaga sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti ng makita ako. 

"Ang aga mo yata? Hindi ba 4:30 P.M ang uwian niyo." Saad ko sabay umupo sa tabi niya. 

"Absent ang prof and we were informed that we can go home early." Kaya naman pala. Tumayo na kaming dalawa at nag-lakad na patungong car park. 

"We have our extracurricular activity tomorrow at the Lopez Medical, sa Manila 'yun. Excited na nga ako, e." Balita ko sa kaniya. 

"Anong oras kayo aalis bukas?" Tanong niya.

"Exact 6:00 A.M daw." Sumakay na kami ng kotse niya at inihatid ako.

Kinabukasan ay 4:30 A.M pa lang ay gising na 'ko. Naligo at nag-suot na 'ko ng uniform, nag-ready na rin ako ng spare uniform kung sakali lang naman. Nang makita ko salamin na maayos at presentable na ang dating ko ay nag-suot muna ako ng kulay pink na hoodie dahil malamig sa labas at tsaka ko na lamang 'to huhubarin kapag nasa hospital na kami. Lumabas na 'ko ng aking kwarto at bumaba na.

"Tara na po." Bungad ko ng maka-lapit ako kila Mama at Kuya Paolo.

"Hatid ko na kayo sa labas." Alok ni Mama sabay labas namin. Agad nag-tungo si Kuya Paolo sa garahe at napa-tigil naman ako sa pag-lalakad ng may nakita akong kotse na pumarada sa tapat ng gate namin. 

Who could it be? At bakit sa tapat ng bahay namin nag-papark? Hindi ko masabi kung kanino 'yun dahil medyo madalim pa.

Nakita ko na bumakas ang pintuan ng car door at lumabas ang nag-mamaneho nito. Nanliit ang mga mata ko para mas makilala kung sino 'yun at agad namang nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan ko na siyang makilala.

Si Lux!

Dali-dali akong lumabas ng gate at agad kong nakumpirma nga na siya 'yun. Madali naman akong lumapit sa kaniya.

"Good morning." He greeted. 

"Good morning ka d'yan. It's 5:30 A.M in the morning. Anong ginagawa mo rito?" 

"Fetching you." Kumunot naman ang nuo ko sa sagot niya. 

"Seriously?" I raised a brow.

"I wouldn't be here if I'm not." Kinagat ko naman ang ibabang labi ko. Nakakainis naman siya, e. Sana sinabihan man lang niya ako para hindi ako masyadong nagugulat at kinikilig. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. 

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon