Chapter 42

54 5 0
                                    

Naya's Point of View

"Mr. Nacario are you sure that you're willing to stand in the court and testify?"

Tanong ni attorney kay Lux, ito'y naninigurado. Mas maganda na 'yun baka kasi nag papadalos-dalos lang siya sa sitwasyon na 'to. Hindi biro ang papasukin niya kung sakali.

"I am, attorney." Simple naman niyang sagot pero halatang seryoso.

"Mr. Nacario, to testify in the court you must be competent." Sambit ni attorney. "Kailangang masigurado ko na may nalalaman ka sa pag-kamatay ng pasyente."

"I know something, attorney. Something interesting." Sagot naman ni Lux.

"Very well." Inayos ni attorney ang kaniyang necktie. "I'll go ahead first. You enjoy your breakfast."

Nag-taka naman ako sa pag-tayo ni attorney. Alam kong naririto kami para mag-breakfast pero bago siya umalis hindi ba muna niya tatanungin si Lux kung ano ang nalalaman nito at bakit malakas ang kaniyang loob tumistigo?

Hindi ko rin maintindihan si attorney, e.

Napansin namin niya ang aming mga mukha kaya nag-salita muli siya. "Pupunta ako sa hospital at hihingi ng appointment sa sekretarya ng CEO. Bago tayo humarap sa korte ay kailangan muna nating humarap sa kaniya at sasabihin mo rito ang lahat ng iyong nalalaman Mr. Nacario. Pag-tapos nun ay siya pa rin mag-dedesisyon, hindi ako pero susubukan ko siyang kumbinsihin na ilaban ang kaso ni Nurse. Cruz."

Kaya naman pala. Akala ko tuloy mag-wawalk out siya. Tumingin naman ako kay Lux at tumango lang siya. Tama naman si attorney. Na kay Mr. Lopez pa rin ang huling desisyon kaya sana ay makumbinsi namin siya.

"We understand, attorney. But we should eat breakfast first." Sambit ko.

Umiling naman siya. "I'm too old to eat breakfast with all of you." He chuckles. "Mauna na ako sa inyo. Sasabihan ko kayo agad kung anong oras ang appointment natin sa CEO."

Tumayo kaming dalawa ni Lux. "Thank you, attorney." Sambit ko at nag-shake hands silang dalawa ni Lux. Tumango na sa'min si attorney at lumabas na ng coffee shop.

"So, tara, kain na muna tayo." Nag-order kami ng pancakes at coffee. Nag-simula na kaming kumain ng mag-salita si Felix.

"Ay oo nga pala. Luxas 'di ba! I'm Felix, co-worker ni Naya." Pag-papakilala niya sa kaniyang sarili sabay lahad ng kamay niya.

Inabot naman ito ni Lux at binati rin siya. "Hi."

"I'm Ella po." Pag-papakilala naman niya at tumango lang din si Lux.

Nagulat na lang ako ng makitang ubos na ang kinakain ni Felix. Gutom na gutom lang?

"Sir. Felix, gusto niyo po bang um-order pa 'ko para sa inyo." Mukhang napansin din ni Ella na gutom pa nga siya.

"Please do, Ella. Hindi rin kasi ako nakapag-dinner kagabi, e." Sagot ni Felix at nilabas ang kaniyang wallet bago inabot dito ang kaniyang credit card.

Tumingin sa'min si Ella. "Kayo po Ma'am, Sir?" 

"I'm fine. Thank you." Sagot ko.

"Me too." Sagot din ni Lux. Tumango na lang si Ella bago tumayo para um-order.

"Felix, why didn't you eat dinner last night?" Curious kong tanong. Ganun ba sila ka-busy kagabi?

"Gulat lang? Hindi naman na bago sa'ting mga nurses ang makalimutang kumain dahil sa daming trabaho at sobrang pagod." Natawa siya ng kaunti. Tama naman siya ruon.

"Kung sabagay pero dapat kumain ka pa rin. Kahit mabilisan lang, ganun naman tayo dati sa ward, e." Dati kasi halos 3 minutes lang kami kung kumain. Swerte na kung maka-five minutes.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon