Naya's Point of View
Felix: Kakatapos lang ng board meeting at nag-hahanda na ang hospital para sa media. Hindi naman kasi natin makokontrol ang pag-kalat ng balita tungkol sa insidenteng nangyari, e. Napag-usapan din ang tungkol sa kaso at sa pag-plea deal natin at inihahanda na rin ng hospital ang pera for compensation sa pamilya ni Charles. Bukod duon ay ang hospital na ang gumastos sa expenses sa pag-kamatay nung bata. We're also now reaching out his family.
Naya: I see, uh.. then how about Nurse. Cruz?
Felix: Mukhang wala talaga siyang balak umamin sa kasalanan niya pero kaka-usapin ulit siya ni attorney. At nag-padala rin ang CEO ng tao para pasundan siya, para alam din natin kung saan siya hahanapin kung sakaling mag-tago siya.
Naya: Okay, thank you for updating me, Felix. Sorry naabala ko pa trabaho mo.
Felix: Ayos lang. Sige na, babalitaan na lang kita ulit. Bye!
Naya: Bye.
Nag-paalam na ako at pinatay ang tawag bago huminga ng malalim. Tumawag ako kay Felix para maki-balita sa kung ano na ang nangyayari sa hospital ngayon. Isang araw pa lang akong wala sa trabaho ay pakiramdaman ko marami na agad ang nangyari.
Uminom na lang ako ng kape at ng ma-ubos 'to ay inilagay ko na 'to sa lababo. It's 5:00 P.M. Kahit na maaga akong natulog ay hindi naman ako naka-tulog ng maayos kagabi kaya ganitong oras na 'ko nagising.
Iniisip ko pa rin kasi hanggang ang lahat ng mga nangyari kahapon. Ang pag-kamatay ni Charles. Ang pag-fire kay Nurse. Cruz. Ang pagka-suspinde ko sa trabaho. At lahat ng 'to ay nangyari lang sa loob ng isang araw.
Sana nga panaginip lang ang lahat ng 'to. Pero.. hindi, e.
Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pag-lilinis ng buong condo unit ko. Mabuti na lang talaga at namili ako nung nakaraan kaya kumpleto ako ngayon sa lahat ng gamit at pagkain. Nang matapos ako sa pag-lilinis ay nanunuod na lang din muna ako sa netflix ng isang medical series.
Parang kahapon lang ay tumutulong ako sa mga doctors, patients and nurses pero ngayon, ito ako, walang ibang magawa kundi ang manuod.
Bigla namang nag-ring ang phone ko at ng makita kong tumatawag si Kayla ay agad ko 'tong sinagot.
Kayla: Babar, libre ka? Tara na!
Naya: Yeah, I have free time. Where?
Kayla: Bar. Gusto ko mag-walwal, e!
Naya: I'm in.
Kayla: Okay! Kita na lang tayo sa paborito nating bar. 10 in the evening. Sharp.
Naya: Got it. Bye.
I ended the call. Thanks, Kayla. Kailangan ko ring uminom, e. Mabuti na lang at tumawag siya sa'kin. Nanunuod na lang ulit ako ng nanunuod at ng saktong 8:00 P.M na ay tsaka lang ako naligo at nag-bihis. Nag-lagay na rin ako ng light makeup at red lipstick.
Tumayo ako sa tapat ng salamin at pinagmasdan ang aking sarili. I was wearing a black short dress partnered with heels and I also wore a silver bracelet. I brought my hand bag.
Ni-lock ko na ang aking condo at pumunta na ng kotse ko. Dumating ako sa bar ng saktong 10:00 P.M, around Manila pa rin naman. Nag-hanap ako ng couch para sa'min ni Kayla at um-order na rin drinks. Saktong pag-dating ng mga alak ay dumating na rin sila.
Bruhang 'to! Hindi niya sinabi sa'kin na kasama pala jowa niya.
Nang makita nila ako ay agad silang lumapit sa pwesto ko at umupo. "Hi, girl. Traffic, e, kaya late." Paliwanag niya agad. Kayla was wearing a tank top partnered with dark jeans.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
Roman d'amourNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...