Chapter 22

118 5 2
                                    

Naya's Point of View

"Salamat po ulit, Ate Delia."

We thanked her for accommodating us to our vacation. Dumating siya kanina at pinag-handa kami ng almusal habang kaming dalawa naman ni Lux ay inaayos ang aming gamit sa maleta sa pag-balik namin.

"Balik po kayo ulit. Ingat sa byahe." Pumasok na kaming ni Lux sa kotse niya at umalis na rin. Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang kakarating lang namin dito sa Tagaytay tapos ngayon pa-uwi na kami.

I will miss being here again. Maaga rin kaming umalis ni Lux para iwas sa traffic. Napa-kunot ang nuo ko ng mapansin ko na parang ibang daan ang pina-tutunguhan namin.

Tumingin naman ako sa kaniya. "Lux saan tayo pupunta?"

"Secret." Ayan na naman siya sa pagiging mysterious niya. Hindi ko na siya tinanong pa at hinayaan na lang siyang dalhin ako sa sikretong lugar na sinasabi niya.

Maka-lipas lang ang kalahating oras ay inihinto niya ang kaniyang sasakyan. Nakarating naman kami sa isang maganda at payapang lugar. Sumisilip ako sa labas pero wala pa rin akong ideya kung nasan kami.

Saan ba 'ko dinala ni Lux?

"Lux." Tumingin ako sa kaniya at agad akong nag-taka ng may hawak na siyang panyo. Anong gagawin niya ruon?

W-wait, don't tell me?

Natawa siya ng kaunti ng mabasa niya ang mukha ko. "Sandaling-sandali lang, please." Nag-please pa pati ang kaniyang mga kamay.

"Okay, I trust you." I turned my back against him and closed my eyes. I felt his approached then the next thing I knew he blindfolded me.

Narinig ko ang pag-labas niya mula sa kotse hanggang sa bumukas na rin ang pintuan sa gilid ko.

"Are you okay? Let's go?" Tumango na lang ako bilang sagot. Hinawakan naman niya ang kamay ko at inalalayan ako pababa. Narinig kong sinara niya ang pintuan at tsaka kami dahan-dahang nag-lakad.

Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung nasan kami o kung saan kami pupunta. Nang-huhula na lang ako sa'king isipan pero hindi pa rin ako ma-satisfy. Kapag naman nag-tanong ako sa kaniya wala rin akong makukuhang maayos na sagot. I have no choice but to wait for him to remove my blindfold.

Huminto kami saglit at narinig ko naman na may kinausap siya. Nag-patuloy kami sa pag-lalakad hanggang sa nakakaramdam na 'ko ng hingal.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko. Napapagod na ko, e.

"We're already here." Anunsyo niya at naka-hinga naman na ako ng maluwag. I felt his hands untying my blindfold.

"Have a look." Sabi niya at natanggal na ang blindfold ko. Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko.

"Oh, my God, L-lux!" Agad kong sabi at halos maiyak na 'ko dahil sa'king nasasaksihan. Ang ganda. Napaka-ganda!

Taal Lake Volcano!

Ngayon lang ako din naka-punta rito. Habang pinag-mamasdan ang ka-gandahan nito ay naramdaman ko ang pag-yakap sa'kin ni Lux mula sa likuran ko at sabay sinandal ang kaniyang baba sa'king balikat.

"Nagustuhan mo ba rito?" Tanong niya.

"Sobra." Ang saya-saya ko. Lalo na't kasama ko siyang pinag-mamasdan ang napaka-gandang tanawin na 'to.

"Sa totoo lang hindi ko inakala na dadalhin mo 'ko rito. Thank you for bringing me here, Lux. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan." Pakiramdam ko tuloy sasabog na ang puso ko sa sobrang saya at pag-mamahal.

"I've waited three days before I could bring you here. Gusto ko lang na itong lugar na 'to ang huling lugar na mapuntahan nating dalawa." Sagot naman niya. Ang sweet naman nun.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon