Naya's Point of View
"Ano ulit 'yung nangyari?"
Tanong ko sa'king sarili. Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka-tayo ruon habang tinatanong ang aking sarili pero nagulat na lang ako ng biglang nag-vibrate 'yung phone ko.
Mabilis ko itong kinuha at nakita kong tumatawag si Mama kaya agad ko rin 'tong sinagot. Hindi nga pala ako nakapag-text sa kaniya. Baka nag-aalala na siya sa'kin.
Mama: Hello, Naya, nasan ka na? Are you on your way home?
Naya: Yes, Ma. Pauwi na po ako.
Mama: Okay, take care.
Naya: See you.
Matapos kong ibaba ang telepono ay saktong lumabas di Lux sa bathroom. Agad akong napatingin sa direksyon niya.
"I think I need to go." Lumapit naman ako sa counter top para kuhanin ang mga plastic na pinamili ko kanina sa market.
"Hatid na kita." Tumango na lang ako sa alok at hindi na umangal pa. Siguro nasanay na lang din akong ma-ihatid niya. Kinuha niya ang kaniyang susi at ako naman ay sinuot ang sandals ko.
Lumabas na kami at dumiretso na sa carpark. Agad siyang nag-drive at tahimik lang kaming dalawa sa byahe hanggang sa nag-vibrate ang phone niya. Gamit ang kanang kamay niya ay kinuha niya 'to, bale isang kamay na lang niya ang nasa steering wheel ngayon.
Agad niya 'tong sinagot. "Lexie?"
Nakita ko naman bigls ang pag-babago ng ekspresyon sa mukha niya. "Where?"
Tumango naman siya. "Okay, I will go there as soon as I can." He ended the call.
Sa tingin ko may importante siyang dapat lakarin or baka emergency pa 'yun. He needs to go somewhere.
"You can drop me here, Lux. Commute na lang ako pauwi." Saad ko at lumingon siya sa'kin. Mabilis niyang ibinalik ang kaniyang mga mata sa harapan habang tinap-tap ang steering wheel. Mukhang tama nga ako.
"Lux, I'll be okay." Ngumiti ako sa kaniya para hindi na siya mag-alala. I can manage, so he can drop me off dahil mas may dapat pa siyang unahin kesa sa pag-hatid sa'kin.
He gave me an apologetic look. "I'm sorry, Naya." Sambit niya sa mahinang boses.
"Don't worry, okay." Ngumiti na lamang muli ako sa kanya. Naiintindihan ko ang kaniyang sitwasyon. Isa pa wala naman siyang obligasyon na i-hatid ako. He continued driving until we reached the nearest terminal before he dropped me.
"Take care." I waved my hand and he just gave me a small smile before he left. Pinanuod ko na naman pag-alis ng kotse niya bago ako tuluyang sumakay.
"Naya, malapit ng matapos ang lunch break pero hindi ka pa nangangalahati sa kinakain mo." Puna sa'kin ni Ava at duon ko lang napansin na parang walang bawas ang lunch ko. Tinititigan at pinaglalaruan ko lang 'to gamit ang kutsara.
"Anong problema, girl?" Napa-tingin ako kay Kayla na ngayo'y umiinom na ng tubig pero ang mata nito ay na sa'kin at halatang hinihintay nila akong mag-salita.
"Wala, puyat lang ako." I faked a yawn to be more convincing, but I saw their eyes getting smaller. Mukhang sinusuri nila ako pero nag-kibit balikat na lang din naman sila.
I just feel dull. Actually, kahapon nung umalis si Lux ay nag-aalala talaga ako dahil sa malakas ang pakiramdam ko na may emergency-ng nangyari pero hindi naman niya sinabi o nilinaw 'yun sa'kin, I didn't ask, though.
At isa pa hindi rin siya nag-memessage sa'kin kaya pakiramdam ko natutuliro ako. Although hindi pa naman kami talaga nagkakaroon ng conversation through phone, but I really want an update. Gusto ko lang naman mag-message siya sa'kin, na he's doing okay.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomantikNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...