Chapter 29

90 4 0
                                    

Naya's Point of View

"No more comments about the CNO's presentation? None? Okay, meeting adjourned."

The CEO dismissed everyone. Lumabas na kami ng room at bumalik sa'ming mga trabaho. Kaka-tapos ko lang din mag-present ng report sa board dahil isa 'yun sa mga trabaho ko as the CNO, or the Chief Nursing Officer of this hospital. I govern, and I'm serving as a spokesperson for the entire nursing department. At the board meetings, I'm also presenting my proposals for the improvement of the nurses and for the hospital system.

I heard my secretary exhaling a large amount of air. Parang na-ipon yata 'yung kaba niya kanina sa loob ng opisina at ngayon niya lang 'to na-ilabas.

"Kailangan mo ba ng oxygen?" I joked. Sumakay kami ng elevator.

"Ma'am, hindi po." Natawa naman siya. "Kinabahan lang po ulit ako kanina. Nakaka-ilang meeting na nga po tayo pero kabado pa rin ako pag-kaharap ang board, lalo na po ang CEO."

"Masasanay ka rin." Ngumiti ako sa kaniya at bumalik na sa'king office.

"Ella, how's my schedule?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa swivel chair.

Nilapag muna niya ang laptop sa desk bago binuksan ang kaniyang tablet para tignan ang schedule ko ngayong araw.

"The board meeting is mark as done, so wala na po for today, Ma'am." Tumango na lang din ako at ni-dismiss na siya.

Nag-simula na ulit akong trabaho sa pag-checheck ng ilang reports from nurses. Nang matapos ay lumabas ako sa'king opisina para i-check naman ang ilang mga wards at ang nurse station. Sinisigurado ko kung maayos lang lahat sa trabaho ng mga nurses. Muli akong bumalik sa'king opisina ng malamang maayos naman ang lahat.

"Ma'am, dinner na po." Paalala sa'kin ng aking secretary habang nag-titingin ako ng mga reports. Tumingin ako sa'king wrist watch, it's 7:30 P.M. Ang bilis talaga ng oras.

"Excuse me." Bumaling kami si pintuan at nakitang naka-tayo ruon ang ka-trabaho at kaibigan ko na si Nurse. Quizon. He's working here as the Nursing Director.

"Maiwan ko po muna kayo." My secretary excused herself. Ngumiti na lang ako sa kaniya at nag-batian muna silang dalawa bago lumabas si Ella sa office ko.

"Felix? May kailangan ka?" Parang ngayon na lang yata ulit kami nag-kita dahil naging busy kami pareho sa'ming sa mga trabaho.

Lumapit siya sa desk at ipinatong ang kaniyang dalawang kamay dito bago nag-salita. "We haven't seen each other for a week due to workloads, so I'm inviting you for a dinner. You okay with that?"

"Why are you being so formal all of a sudden? Ilang araw lang tayo hindi nag-kita nag-kaganyan ka na? Anong nangyari sa'yo?" Umiling naman siya bilang hindi niya pag-sangayon sa'king mga sinabi.

"Naya, I've always been a formal person?" He raised his both hands, one on his chest and the other one in the air.

Tumawa na lang ako sa kaniya bago umiling. "Tara na nga. Gutom lang 'yan." Tumayo na 'ko at kinuha ang aking coat bago 'to sinuot sa'kin.

Pag-labas namin ng aking office ay agad akong nag-bilin sa'king sekretarya at sinabihan siyang kumain na rin pag-tapos.

Pumunta kami ni Felix sa pinaka-malapit na restaurant at duon kumain. May mga nakikita rin kaming mga nurses na rito rin kumakain.

"Enjoy your dinner." Sabi pa namin ni Felix sa kanila.

Him and I started in the same year and we were in the same nursing team. Sabay kaming nag-duduty, kumakain, at minsan ma-tulog sa ward namin. Back then we were both talking and sharing about our struggles in our profession, especially when it comes into our patients.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon