Chapter 44

47 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Let's go."

Sabay naming sabi ni Lux. Pagkatapos ng huling salita ni Nurse. Cruz ay nag-lakad na kami paalis. Baka kasi uminit pa lalo ang sagutan nila, e. Hindi rin naman sila nag-salita hanggang sa makalayo kami pero kailangan pa rin naming umalis. Lalo na't bakas sa kanilang mga mukha ang gulat, inis at galit. It appears that Rosie hit the wrong spot.

Nang makalabas kami ng trial court ay biglang nag-buntong hininga si Rosie.

"Hindi ko po napigilan ang sarili ko." She sighed again and it seems that she's regretting what she said back there.

"Hindi ko naman kailangang sabihin 'yun, e."  She looked down.

"Don't worry about it. I think they need to hear that too." Sabi ko na lang at tumango na lang siya. Nakita ko naman si Lux na binabalik ang kaniyang phone sa bulsa nito. Mukhang may tinext yata siya.

Makalipas lang ang ilang mga minuto ay lumabas na rin si attorney, sinalubong naman namin siya.

"The next trial will be held next week, wednesday. 3:30 P.M." He stated before looking at Lux. "Mr. Nacario, you will testify on that day." He added and tumingin naman ako kay Lux.

"I understand." He simply answered, he looked determined. Mukhang gustong-gustong niya talagang mag-testify.

"Thank you and by the way we will have a prep before the day of the trial. Is that okay?" Tanong ni attorney kay Lux. Anong prep? Preparation? Is it a law term or something?

"It is." Sagot ni Lux. Kung ganun mukhang alam niya ang ibig sabihin ng prep.

"Thank you and if you'll us. I'll have to talk to my client. Nurse. Cruz. Let's go." He said.

"Sige po, attorney. Mauna na po kami, Ma'am, Sir. Salamat po sa pag-punta." Sabi niya at nag-paalam na rin sila. Nag-paalam na lang din kami pabalik at pinanuod silang mag-lakad paalis.

Tumingin ako sa'king wrist watch. It's already 4:30 P.M. It's time to go home na. Babalik na naman ako ulit sa condo. Although sobrang bagot na bagot na 'ko, wala naman akong ibang choice.

"Uwi na rin tayo? I mean ako lang pala, mukhang may lakad ka pa, e." Sabi ko at nag-simula ng mag-lakad.

"Naya? Do you have a something to do?" Lux asked. Lumingon naman ako sa kaniya. Bakit niya tinatanong?

"Wala naman, bakit?" I asked him. May balak ba siyang yayain ako kung saan.

"I was just thinking if you want to come with me? I'll go fetch Levy in her school." He stated at mabilis naman akong nag-react.

"Really? Then I'll go with you. Wala naman akong ibang gagawin at pupuntahan, e. Let's go! I want to see her too." Mabilis kong sagot at mas excited pa 'ko kesa sa kaniya.

Well, I really miss Levy. Her cheerfulness, softness and she being adorable is what I miss more. Ang cute-cute niya kasi, e.

"Let's go then." Nag-simula na siyang mag-lakad at tumabi na lang din ako sa kaniya. Excited na 'kong makita siya.

Nang makarating kami sa'ming sasakyan ay sinabi kong susundan ko na lang siya papuntang school ni Levy. Pag-pasok namin sa kotse ay agad kaming nag-drive. Sinusundan ko lang ang kotse niya. Hindi naman siya mabilis mag-patakbo ng kotse, sakto lang. Hindi rin naman mabigat ang traffic kaya hindi naging hassle ang buong byahe namin.

Nakita ko ang pag-park niya sa tapat ng school kaya naman ay mabilis akong sumunod at nag-park din sa katabi nito. So, this is Levy's school.

Lumabas na 'ko sa kotse at nakita ko si Lux na nag-hihintay sa'kin. "Let's go." He said. Tumabi ako sa kaniya at nag-lakad na kami.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon