Naya's Point of View
"We're waiting for you to say that."
Bulong ko at ngumisi ng kaunti. It's time!
"Your honor, you heard Mr. Charles Amante. He said that you can't buy a medicine without any prescription from a specialist, and of course he's aware on that because he studied. I mean, we're all aware on that, but the thing we're not aware about is this." Paliwanag ni attorney at muli siyang lumapit sa kaniyang counsel at kinuha ang dalawang folder na tig-isang ipinamahagi sa prosecutor at sa judge.
Our most concrete evidence.
"I recently discovered this, your honor, it was very clear on those images that Mr. Amante faked his identity and paid a licensed pharmacist to fabricate a prescription for him to be able to buy a medicine on drug store. Of what medicine? Trimethoprim!" Pag-papaliwanag muli ni attorney while the others are gasping. Mukhang nasagot na ang mga tanong sa mga isipan nila. Habang ako naman ay nakikinig lang.
Sa images ay naruon 'yung copy ng fabricated prescription ng trimethoprim na pirmado ng isang pharmacist. May isa pang image na gumamit ang Tatay ni Charles ng pekeng I.D para hindi siya madaling makilala. He changed his name, but because of the pictures of himself, he can't escape.
"Mr. Amante had the fabricated prescription the same day of Charles' death. Why would Mr. Carlos Amante had a fabricated prescription of trimethoprim? Of course, it is to buy the medicine and to kill his very own son. For him to come out clean, he pins his crime to my client who's an innocent from the very beginning. Your honor, Nurse. Rosie Cruz is innocent, she's an innocent nurse!" Muli pang sabi ni attorney, I can really sense his passion on this.
Tumingin ako sa kalaban namin, then I saw Charles' Fatherather are clenching his both fist while looking down, looking frustrated. Nakita ko rin ang stepmom ni Charles na umiiyak na ngayon at ang prosecutor na dismayadong nakatingin lang sa folder.
Tumingin kami sa judge na balak ng mag-salita ngayon. "Ms. Rosie Cruz is factually innocent. You're free to go, Nurse. Cruz." Agad akong, kaming napa-ngiti sa sinabi ng judge. Napa-tayo naman si Nurse. Cruz at agad na niyakap si attorney habang siya'y umiiyak.
Nag-desisyon na ang korte. Nurse. Cruz will not be held in the jail, neither her license will be loose. Dahil inosente siya. Inosenteng-inosente siya simula pa nung una.
Tumingin naman sa'min si Rosie at binigyan niya kami ng isang malapad na ngiti. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik at ang katabing kong CEO namin ay marahang pumapalakpak.
Nakita ko ang pag-baba ni Lux mula sa podium at nag-lakad siya palapit kila attorney. Attorney offered his hand and they shook their hands while Rosie also offered her hand and Lux also accepted it while congratulating them.
Hindi ko naman maiwasang ngumiti ng malapad.
"Now." Muli kaming tumingin sa judge. "I'm issuing a bench warrant for the immediate arrest for Mr. Carlos Amante. Court adjourned." Desisyon ng judge para sa Tatay ni Charles bago pinukpok ang kaniyang gavel.
Ngayon mag-babayad ang siyang tunay na may kasalanan.
Agad namang lumapit sa kaniya ang mga pulis at pinosasan na siya. Tahimik pa rin siya pero halatang mukha siyang galit, pero wala na siyang magagawa. He get caught. Sarado na ang kurtina ng enteblado, tapos na ang kaniyang palabas. It's time to atone for his sin.
Narinig ko naman ang mga iyakan, tumingin ako ruon at nakitang umiiyak na ang pamilya nila.
"Anong nangyayari? Bakit nila ikukulong ang anak ko?" Umiiyak na tanong ng isang matanda.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
Storie d'amoreNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...