Chapter 23

102 7 0
                                    

Naya's Point of View

"We're here."

Sabi ni Lux ng makarating kami sa bahay. Ni-park niya ang kaniyang kotse sa tapat nito at tumingin sa'kin. Tahimik ang naging byahe naming dalawa at hindi nga niya 'ko kina-usap.

"Alam ko. Hindi mo na kailangan sabihin pa sa'kin." Pag-tataray ko at hindi na siya pinansin. Tinanggal ko na ang aking seat belt at mabilis na lumabas.

Binuksan ko ang trunk at kukunin na sana ang maleta ko pero naunahan niya na 'ko sa pag-kuha rito.

"Let me." Hinayaan ko na lang siya, muling hindi pinansin at nauna ng pumasok na sa loob ng bahay. Naramdaman ko na lang ang pag-sunod niya.

Sinalubong ako agad ni Mama. Alam niya kasi na ngayon kami uuwi. Mabilis siyang lumapit sa'kin at yumakap ng mahigpit, niyakap ko rin siya ng pabalik. Parang gusto ko ulit ma-iyak pero hindi pwede. Ayoko kong umiyak dahil sigurado akong mag-aalala sa'kin si Mama at mag-tatanong.

"How's the vacation? Hello, Lux." Bungad sa'min ni Mama.

"Good afternoon po, Tita." Bati niya at habang ako naman ay kumalas sa yakap at hinarap siya.

"It was great, Ma. I really can't wait to tell you the places where we have been but I'm tired, e. And I want to rest first. Mamaya na lang po ako mag-kukwento."

"Of course, that's fine. Mag-pahinga na muna kayong dalawa ni Lux sa kwarto mo." Agad naman akong kumontra sa ideya ni Mama.

"No, Ma. Uuwi na rin po siya." Sabi ko sa kaniya pero hindi pa rin nililingon si Lux.

"Naya, pagod si Lux sa pag-dadrive. Sige na umakyat na kayo para makapag-pahinga na dalawa. Sige na, Lux." Tumango na lang ako at hindi na nakipag-talo pa kay Mama. Wala na rin namang nagawa si Lux kundi ang sumunod sa gustong mangyari ni Mama.

"Thank you po, Tita." Sabi pa niya.

Nauna na akong umakyat at pumasok na sa kwarto. Iniwan kong bukas ang pintuan at sumunod na rin naman siya. Na-miss ko ang kwarto ko! Kumuha ako ng damit pamalit sa'king walk-in closet. Nakita ko naman na nilagay ni Lux ang maleta ko sa gilid, mamaya ko na lang 'yun aayusin pag-alis niya.

Pumasok ako sa bathroom at nag-palit ng damit. Lumabas na 'ko sabay dumiretso sa kama at humiga.

Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Lux sa kama ko. Balak niya ba na tumabi sa'kin matulog? Bahala nga siya! Basta huwag lang niya 'kong ka-usapin.

"Pwede bang tumabi? If you don't want, I can sleep at the couch." Marahan niyang sabi.

"Bahala ka." Pinikit ko ang aking mga mata at narinig ko naman ang pag-buntong hininga niya.

"Can we talk after?" Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko rin 'tong binawi.

"Depende." Sagot ko sa tamad na boses.

"Naya, I'm sorry, okay. I was wrong, please, please talk to me."

Narinig kong nadurog ang kaniyang boses at rinig na rinig ko rin na nasasaktan siya sa sitwasyon naming dalawa ngayon. Maging ako rin naman, nasasaktan ako dahil parang kanina lang ay ang saya-saya naming dalawa then suddenly biglang masisira 'yun.

"Rest, Lux. We're both tired." I said in a monotone.

"Okay." Mahina niyang sabi sabay halik sa'king nuo. Naramdaman ko naman ang pag-tayo niya at mukhang sa couch nga siya matutulog.

Hindi ko na siya pinansin at pinikit ng mariin ang aking mga mata at nag-padala na sa pagod para makatulog.

Pagod ako, kaming dalawa.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon