Naya's Point of View
"As her head nurse, I can see that she's really improving in her job as a nurse. Mas nagagawa na po niya ng maayos ang kaniyang trabaho sa mga pasyente niya at maging sa kaniyang mga report."
Nurse. Laurio informed me. She's one of the head nurses in this hospital and she's the one handling Nurse. Cruz. Pumunta lang talaga siya rito para mag-pasa ng mga reports ng kaniyang team pero nag-tanong na rin ako tungkol kay Nurse. Cruz. Now, I'm glad to know that she's improving and I believe it will continue.
"Thank you for updating me and for the reports, Nurse. Laurio. You can go now." I dismissed her. Tumango na lang din siya at lumabas na ng opisina ko.
Muling bumukas ang pintuan at nilabas nito ang sekretarya ko. Lumapit naman siya sa'king desk hawak-hawak ang kaniyang tablet.
"Ma'am, meting with the surgeons at 3:00 P.M." Anunsyo niya. Tumango naman ako bago pumunta sa comfort room para mag-ayos. Nang makuntento na 'ko sa'king hitsura ay pumunta na kami ni Ella sa lecture hall.
The meeting immediately starts and it was all about recent surgeries in hospital. Mabilis na-tapos ang meeting at ni-dismiss na rin kami ng head department. Bago ako bumalik sa'king opisina ay nag-tungo muna ako sa nursing station para tignan saglit kung maayos lang ba ang lahat.
"Good afternoon po, CNO." Bati nila sa'kin. Ang busy-busy nila tignan.
"Good afternoon." Ngumiti ako sa kanila at bumalik na rin sa'king opisina. Saglit lang talaga ako.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang nursing director na may dalang folder. Dumiretso siya ng lakad patungo sa'king desk at umupo. Inabot niya sa'kin ang folder bago niya binagsak ang kaniyang nuo sa desk.
"Gusto ko ng matulog." Hinang-hina niyang sabi.
"Hindi lang ikaw." Tumawa ako ng kaunti pero inaantok na rin talaga ako. Ilang araw na naman kasi kaming walang masyadong tulog ngayong linggo.
Pinatawag ko siya kanina kay Ella dahil kailangan ko ng part niya sa report dahil ipapasa na 'to sa upper department. Hindi pwedeng ma-late ang pasahan dahil malalagot ako kaya kahit puyat ay pinipilit namin.
"Ella?" Tawag ko at mabilis naman siyang pumasok. "2 coffee please." Tumango naman siya at mabilis na umalis para mag-order ng kape. Hindi ko na sinabi kung anong flavor dahil alam na niya 'yun.
Muling bumukas ang pintuan at niluwa nito si Ella na may dala ng dalawang kape. "Ma'am, Sir, order niyo po." Lumapit siya sa'min at inabot ang mga 'to.
"Thank you, Ella." Kinuha ko ang kape at agad na uminom habang binabasa ang report. Proofreading. Narinig ko na lang ang pag-sara ng pintuan, lumabas na si siguro ang aking sekretarya.
"Naya." Felix called, I raised my brow as my response. "I think your secretary has a crush on me."
Kumunot naman ang nuo ko sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi 'yan?" Medyo na-curious tuloy ako. Kahit na hindi naman dapat namin 'to pag-usapan sa trabaho.
"Her face just heated up when our eyes met." He replied. "She blushed, Naya. She blushed." Pag-didiin pa niya.
Mas lalo namang kumunot ang nuo ko. Well, blushing could be a reason, but it would never cover the entire someone's feeling.
Tumingin na 'ko sa kaniya. "Felix, aren't you just assuming? Hindi porke nag-blush 'yung isang tao ay crush ka na."
"May mga kaso kasi na ganun. Ang cute kaya." Ngumiti siya sabay tumingin sa itaas at mukhang may iniisip na kung ano. Okay, I'm sensing something.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...