Chapter 5

197 21 5
                                    

Naya's Point of View

Sino 'yung kasamang babae ni Lux?

Kanina pa nasa loob ng utak ko ang tanong na 'yan. Well, aside from introducing herself to us, she didn't say something more about her. Alice is her name, by the way.

Halos dumugo na ang utak ko sa kakaisip kung sino ba siya. Samantalang itong kasama ko ay inaya pa silang dalawa na manuod kasama namin ng practice game nila Kuya. 

Kaya raw sila nandito ay dahil sa pinatawag na sila ng professor nila para sabihing ang kanilang propose business plan ay approved na. We just congratulated them, but other than that, hindi na kami nag-papansinan o nag-usap pa ni Lux.

Naririto na kami ngayon sa bleachers. Mag-kakatabi kaming tatlo nila Ava at Kayla habang sa baba namin sila Lux at Alice. Umiinom lang ako ng binili kong softdrink ng natapos ang first quarter ng practice game ay duon na lumapit si Kuya sa kinaruruonan namin. 

Agad akong umangal ng hinablot niya ang softdrink na iniinom ko. "Akin 'yan, e."

Ngumiti lang siya ng nakaka-asar at uminom. Hindi na niya tinirhan at inubos na lang. I just rolled my eyes to him. Kahit kailan talaga.

"Lux." Tawag niya ng matapos uminom at nakipag-apiran pa sa kaniya. Kailan pa sila naging close?

Bigla ring sumulpot sa harapan namin si Dexter at nakipag-kumustuhan sa'min.

"Approved na?!" Gulat nitong tanong ng sabihan sa kaniya ni Lux ang dahilan kung bakit sila naririto. "Sana lahat!"

"Bakit 'yung sa inyo hindi pa ba?" Tanong sa kaniya ni Alice. 

"Hindi pa, e." Sabay kamot nito sa kaniyang ulo. 

"Lipat ka na ng grupo nila, Dexter." Singit naman ni Kayla sa usapan.

"Ano ka ba, Kayla. Kahit lumipat 'yang si Dexter walang mag-babago, pabuhat pa rin ang isang 'yan." Pang-aasar naman ni Kuya at nag-tawanan naman sila maliban sa'kin. Parang nawala ako bigla sa mood kaya hindi ako maka-sabay sa kanila.

"Aray! Pabuhat daw, oh. Payag ka n'yan, Dexter?" Gatong naman ni Kayla sa pang-aasar kay Dexter.

"Nasiv! Ako 'to si Dexter, ka-basketball team mo, oh!" He held his dramatically, acting as if he was really hurting.

"Don't worry, Dexter. Ma-aaprubahan din ang business plan niyo." Pag-encourage sa kaniya ni Alice sabay na kumindat.

"It will, it will. Hinihintay na lang din namin ang prof." Sagot naman niya. Well, sana nga.

Tinawag na sila Kuya at Dexter ng iba dahil mag-sisimula na ang second quarter ng game.

"Nuod lang kayo, ah!" Saad ni Dexter at sabay silang tumakbo pabalik ni Kuya sa court.

Natapos na ang second quarter at panalo ang grupo nila Kuya. Half game lang daw muna sila ngayon. Mabuti na lang at mabilis natapos dahil bigla ko na lang gustong umuwi. Hindi ko talaga alam at nawala bigla ako sa mood.

Nang makita ko na sila Kuya na tumatakbo palapit sa'min ay tumayo na 'ko. "Kuya, hihintayin ba kita sa kotse o mag co-commute na lang ako?" Tanong ko agad ng tuluyan siyang maka-lapit sa'min.

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya pabalik at tumango lang ako bilang sagot. Nakita ko sa gawi ko na sumulyap sa'kin si Lux pero hindi ko 'yun pinansin.

"Mamaya ka na umuwi." Kumunot naman ang nuo. Anong mamaya na?

"Bakit? Tapos naman na ang game niyo, ah." Reklamo ko. Gusto ko na talagang umuwi.

"We're going for lunch."

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon