Chapter 45

45 4 0
                                    

Naya's Point of View

Naya: What? For real?!

Felix: Oo! Ang dami nga nila rito sa labas ngayon. Mag-kakamag-anak yata, e. Mga nag-poprotesta, hindi naman sila nanggugulo pero meron silang mga hawak na plakards at tarpaulin na may nakalagay na 'Justice for Charles Amante!' Tapos meron pang 'Lopez Medical. An hospital who killed their patient.'

Naya: Oh, my God. What will we do? Anong sabi ng board?

Felix: For now, humingi na kami ng tulong sa mga awtoridad para matigil at umalis na sila. Natatakot na rin kasi ang mga workers dito especially our patients. And the entire board members are blaming the CEO for letting this to happen, pero gumagawa na kami ng paraan para hindi na lalong kumalat pa ang issue na 'to lalo na sa media.

Naya: Okay. Thank you, Felix. Please be careful there. I'll do what I can.

Felix: Naya, huwag kang kumilos ng mag-isa ka lang lalo na sa sitwasyon natin ngayon. Sobrang daming taong galit sa'tin ngayon.

Naya: I know, Felix. Don't worry. Bye.

I ended the phone call. Stress akong napa-hawak sa'king nuo. This isn't something that we expected. We know that they're on rage pero hindi namin akalain na aabot pa sila rito. Sa pag-rarally. Sobrang laki ang magiging epekto nito sa buong hospital, sa mga trabahador dito and especially to our patients.

The hospital's at risk, pero hangga't wala pang desisyon ang korte at hindi pa lumalabas ang katotohan. I have at least do something.

Paano kaya kapag umabot ang balita sa bahay? Kanila Mama? Sigurado akong mag-aalala sila sa'kin lalo na't hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol dito. I don't want them to worry about me, especially that Charlotte is pregnant, it's not healthy for the both of them.

Hindi na 'ko nag-sayang pa ng oras at nag-madali na akong naligo at nag-bihis na kung anong makita at makuha ko. I wore a colored white turtleneck partnered with high waisted jeans and pair of sandals.

Nag-madali na 'kong bumaba at sumakay ng kotse at nag-drive papuntang hospital. I have to be fast bago pa magkaroon ng mas matinding gulo.

Kahit na malayo pa lang ako mula sa hospital ay tanaw na tanaw ko na ang mga taong nag-rarally. They're so many.

Nag-park ako sa tapat ng hospital bago lumabas at ngayon ay kitang-kita at dinig na dinig ko na sila.

"Justice for Charles Amante!" Sabay-sabay nilang sigaw while raising their placards.

Tumingin ako sa isang lalaki na may hawak na megaphone. Ang Tatay ni Charles. Nasa gitna siya at mukhang mag-sasalita siya.

"Mga kapwa ko Filipino! Ako po si Carlos Amante ang Tatay ni Charles Amante." Panimula niya. I pursed my lips and just listen to what he about to say.

"Ang anak ko po na si Charles Amante ay patay na. Ang anak ko pa ay biktima ng Lopez Medical sa pagiging pabaya nila sa'king anak na pasyente nila. In-admit po namin ang anak ko rito at nalaman namin na ang anak ko pa ay may sakit na bladder infection. Ang sabi naman sa'min ng doctor niya ay gumagaling siya pero isang araw ang nurse ng anak ko, ang pangalan niya ay Rosie Cruz. Nag-injection siya sa anak ko ng antibiotic pero ilang sandali lamang ay namatay ang anak ko dahil sa drug overdose." Pag-kukwento niya at napa-singhap na lang ako. Luminga-linga ako sa'king gilid at napansin kong dumadami na ang mga tao at meron na rin nag-vivideo.

"Umaandar na ang kaso ng anak ko laban sa kanila kaya hinihinga ko ang simpatsa niyo para sa hustisya ng pagkamatay ng anak ko. Ginagawa ko ang lahat ng ito para hindi na maulit ang nangyari sa anak ko. Gusto kong marinig ako ng lahat. Kailangan ng hustisya. Dapat makulong ang nurse na siyang pumatay sa anak ko. Dapat ipasara at ibagsak ang Lopez Medical. Hindi na dapat maulit ito, tama na ang isang biktima. Ibagsak ang Lopez Medical!" Pag-tutuloy niya at sumabay na rin ang iba sa kaniya.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon