Naya's Point of View
"Congratulations!"
Bungad na pag-bati sa'min ni Mama ng makarating kami sa bahay. Kararating lang din kasi namin galing sa arena para sa basketball semi-finals qualification. Nakakalaro na ulit si Kuya at panalo sila kaya pasok na ang kanilang team sa semi-finals.
Sa middle of the month ng november gaganapin ang semi-finals. Nag-pasalamat lang ang buong team kay Mama bago kami nag-tungo sa dining area para kumaing lahat.
"Okay na sa'yo 'yung ganyang karaming pagkain?" Tanong ko kay Lux ng matapos siyang mag-sandok ng kanin at ulam.
"Yeah, how about you?" Tumango na lang at agad ko siyang hinatak. Umakyat kami patungo sa'king kwarto para duon kumain.
"Baka hanapin tayo ni Tita." Sabi niya sa labas ng kwarto.
"Hindi 'yan." Hinatak ko na siya papasok sabay sarado sa pintuan. Hindi naman ako hanapin ni Mama dahil busy siya sa mga bisita. Ang dami nila duon sa baba.
Nilapag ko muna 'yung plato ko sa round table bago kinuha ang aking laptop. Nakita ko naman siyang umupo sa couch.
"We're going to watch a film." Nang maka-pili na 'ko ng movie ay inilapag ko na ang laptop sa harapan namin bago ako tumabi sa kaniya.
Kumakain lang kami habang nanunuod at bigla naman akong na-excite ng makita kong nag-transition sa Tagaytay ang settings ng movie.
"Ang ganda talaga sa Tagaytay." Puri ko habang nakatutok pa rin ang aking mga mata sa film.
"Agree. Have you been there?" Tanong niya sa'kin.
"Uh, first time ko sa Tagaytay nung highschool field trip namin. Second time ko naman last, last year dinala ako ruon ni Mama bago ako mag-pasukan in college." Sagot ko at inalala ang mga panahong nanduon ako at masasabi ko sobrang ganda talaga sa Tagaytay.
"Ikaw? Naka-punta ka na sa Tagaytay?" Balik kong tanong sa kaniya, tumingin ako sa kaniya.
"Yeah, like everytime we have our small family gathering. It's great to be there." Sagot naman niya.
"Sobra." Pag-agree ko sa kaniya. Nanunuod na lang kami hanggang sa matapos ang film.
"Na-miss ko tuloy pumunta sa Tagaytay." Parang bigla ko na lang gustong tumakbo papunta ruon. Kasalanan 'to ng movie na 'yun, e.
"You will." Kumunot ang nuo sa sinabi niya. "Baba na tayo." Mag-tatanong pa sana ako sa kaniya pero tumayo na siya agad. Sinundan ko na lang din siyang lumabas at sabay na bumaba.
Natagpuan namin ang lahat at maging si Mama sa sala pero hindi na lang muna namin sila pinansin. Sa kusina kasi ang diretso namin ni Lux para ilagay duon ang aming mgs pinggan.
"Naya can you bring this with you, please. I need to make a call." Tumango naman ako bago kinuha ang pinggan sa kaniya at mag-isa na pumuntang kusina.
Pumunta akong sala at nakitang wala na ruon si Mama. Si Lux naman ay nasa garden pa siguro dahil may ka-tawag sa phone.
Tumabi ako kay Kayla at binigyan niya 'ko ng nakaka-lokang ngiti. Para saan naman 'yun? Hindi ko na lang siya pinansin at naki-salo na lang sa kanilang kwentuhan.
"Ilang days na lang at undas break na rin. Sa wakas! Makakapag-pahinga na rin tayo ng maayos." Sumangayon naman ang lahat kay Dexter, well, silang lahat sa basketball team ay pagod na pagod in both physical and mental. Isabay ba naman nila 'yung basketball sa acads, e. Nakaka-panghina talaga.
"Saan kayo mag-babakasyon?" Tanong ni Ava.
"Sa kwarto, matutulog." Sagot ni Joshua at agad namang sumabat si Kayla
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...