Chapter 41

60 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Did you already eat dinner?"

Tumango na lang ako sa tanong niya. Kumain naman kasi ako kanina sa condo, e. Tumango na lang din siya bago ako pinapasok sa loob. Nung una ay medyo nag-aalangan pa 'ko pero nandito na 'ko, e, kaya tumuloy na rin ako ng pasok. Nanatili naman akong naka-tayo lang sa may bandang pintuan.

Inikot ko ng aking mga mata ang buong silid at kagaya pa rin ng dati ay napaka-linis at organize niyang tao. Wala akong makita na kahit anong kalat dito. Studio type lang din 'yung condo niya. Katulad nung akin.

Nakita ko naman sa isang gilid ang isang round desk kung saan may naka-patong na laptop, notebook at ballpen. Mukhang may trabaho siyang ginagawa at abala lang ako.

"Sorry for interrupting your work. I'll just leave." Madaling sabi ko at tumalikod na. Ngayon ako nahihiya sa mga pinag-gagawa ko sa kaniya kanina. Sobra akong naging rude tapos all of sudden mag-papakita ako sa kaniya on his own place.

"Why do you have to leave?"

Napa-hinto naman ako sa tanong niya. Bakit ba kailangan niya pang mag-tanong? Hindi pa ba obvious?

"You're already here, so why are you leaving now?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako muling humarap sa kaniya at nag-salita. "Because of me, okay. I was rude at you and then all of a sudden I am here, appearing right in front of you."

Yes, I was rude to him, like every time we meet. Pero hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit ako masungit sa kaniya. Natural lang naman siguro 'yun and I'm not trying to justify my rude behavior towards him. I mean, he hurt me.

"I can't blame you for being rude at me." His eyes are looking straight at me. "I understand you. So, you don't have to leave."

Tumango na lang ako. Mabuti naman at naiintindihan niya ako. Madali lang din naman akong ka-usap, e. "Okay, but do not misunderstand why I'm here." Diretso kong sabi. "I'm here because I have something to ask you." Pangunguna ko pa. Mabuti ng linawin ko ng mas maaga para wala na siyang expectations mula sa'kin.

Nakita ko naman ang pag-tango niya. "Come in." Hindi na 'ko kumibo pa at nag-lakad na lang patungong sala. Nandito na 'ko. There's no need for me to back out.

"Do you want something to eat or to drink?" Alok niya ng maka-upo ako sa couch.

"Water will do." Sagot ko. Agad naman siyang kumuha ng tubig at inilapag ang baso sa glass table. Pwede naman niya sigurong i-abot sa'kin 'yun 'di ba. Ang arte naman niya yata.

Umupo siya sa tabi ko pero malayo pa rin ang kaniyang distansya sa'kin. Mas maganda na 'yun at huwag siyang didikit sa'kin.

"Uh, can I borrow your laptop please?" Tumango naman siya at tumayo bago kinuha ang kaniyang laptop sa lamesa. That was late of me. Dapat pala kanina ko pa 'yun sinabi sa kaniya. Patayo-tayo tuloy siya.

Iniharap niya sa'kin ang kaniyang laptop bago siya muling umupo. Inilapit ko naman ang laptop sa'kin at kinuha ang USB sa'king hand bag.

Ipinakita ko sa kaniya ang USB. "Pwede kong i-insert? Wala naman 'tong virus." Paalam ko sa kaniya.

"Go ahead." Sagot niya at in-insert ko na ang USB sa laptop. Nang ma-read na 'to ng system ay binuksan ko ka-agad ang file ng footage.

Humarap naman ako sa kaniya. Kailangan ko munang ipaliwanag sa kaniya ang nangyayari bago ipanuod ang footage para hindi siya malito. "Do you remember the incident last saturday?"

"Yeah, it was the day when there was huge fight between the dead patient's family against the nurse." Sagot niya. I was a bit surprised that he still remember it.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon