Naya's Point of View
"Today is the day of your group defense for the business plan, right?"
Tanong ko habang nag-lalakad kaming dalawa ni Lux patungong nursing department. Gusto niya raw kasi akong i-hatid, e.
"It is and I can tell that we're very ready for it." Sagot niya at huminto kaming pareho sa tapat ng building namin.
"Good luck sa inyo, lalo na sa'yo." For once I've witnessed their struggles and efforts for the preparations to their defense and I'm sure that it'll be successful.
"Thank you. I'll date you after this." Agad naman akong napa-ngiti.
"Pwede naman." Natawa siya ng kaunti bago ibinigay ang aking bag na kanina pa niya dala-dala. Nag-paalam na lang din kami sa isa't-isa at tumuloy na ako ng pasok sa'king classroom.
"Sana lahat hinahatid." Pang-aasar ni Ava ng maka-upo ako sa tabi niya. Nakita niya siguro kaming dalawa ni Lux.
"Mag-boyfriend ka na rin kasi." Agad naman siyang kumontra sa sinabi ko.
"Girl, tsaka na 'ko mag-jojowa kapag alam na ng crush ko na nag-eexist ako sa mundong 'to." Sabay tawa niya. I don't know who she was referring to, but probably a celebrity. Umiling na lang ako at umayos na rin ng upo ng dumating na ang professor namin.
Dumating ang lunch break at dumiretso kami ni Ava sa cafeteria at duon namin natagpuan si Kayla. Sabay-sabay na rin kaming um-order at umupo at kasabay nun ang pag-lapag ng isa pang tray sa lamesa namin.
"Hindi muna kumpleto ang squad ngayon." Saad ni Dexter sabay upo sa tabi ni Kayla. Agad ko namang hinanap si Lux pero wala siya.
"Bakit nasan ba sila Lux at Alice?" Tanong ni Kayla sabay luminga-linga rin para hanapin ang dalawa.
"They refused to eat lunch, ilalaan na lang daw muna nila 'yung lunch time sa preparation ng defense nila." Sagot ni Dexter at nag-simula na siyang kumain.
"Well, that's college life." Saad ni Ava. Tumingin naman ako sa'king phone at nakita kong may message sa'kin si Lux. Agad naman akong napa-ngiti ng mabasa ko 'yun.
"Aw.. wala 'yung boyfriend niya. Pinag-palit sa defense." Pang-aasar sa'kin ni Kayla pero hindi ko naman siya pinansin.
Luxas: Can't eat lunch with you for now. Fill yourself, okay.
Agad akong nag-tipa ng i-rereply sa kaniya dahil may magandang ideyang pumasok sa'king isipan.
Naya: Dalhan ko na lang kayo ng foods d'yan.
Agad naman siyang nag-reply.
Luxas: You don't have to, okay. We have snacks here. Kumain ka na lang d'yan.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang mag-reply na lang sa kaniya.
Naya: Okay, good luck sa defense niyo.
Luxas: Thank you.
Hindi na 'ko nag-reply pa dahil busy siya at ayoko na silang istorbohin pa. Binalik ko na sa'king bulsa ang phone ko at sumabay ng kumain sa kanila. Bumalik na rin kami sa kaniya-kaniyang classroom ng matapos ang lunch break.
Habang nag-didiscuss ang professor namin ay nag-iisip ako ng paraan kung paano ang gagawin ko sa date namin mamaya ni Lux. Tuwing lumalabas kasi kaming dalawa ay halos siya ang nag-cocover sa lahat. Kaya this time gusto ko, ako naman. Alam kong mas makakahinga siya ng maluwag pag-tapos ng defense nila but I really want to ease the stress that he felt. I want him to rest his both mind and body after a very tough day.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...