Naya's Point of View
"Ligawan! Ang landi-landi. Sakit niyo sa mata. Lumayas nga kayo sa harapan ko, lumipat kayong dalawa ng ibang table duon sa malayo!"
Pag-tataboy sa'min ni Kayla. Naririto kami ngayon sa cafeteria at ewan ko ba at laging nag-tutugma ang mga schedules namin pag-dating ng lunch break, kaya ito mag-kakasama na ulit kaming squad. Si Dexter at Ava naman ang pumila para mag-order.
Mag-katabi kami ni Lux at itong si Kayla ay walang ibang ginawa kundi ang reklamo sa'min ng i-kwento ko sa kaniya kung paano kami na-punta sa ligawan ni Lux. Sinabihan na din namin siya na sikreto muna namin ang kung ano man ang namamagitan sa'ming dalawa ni Lux. Pumayag naman siya basta huwag ko lang daw siyang aasarin na wala siyang love life.
Next time na lang din namin sasabihin sa iba, basta huwag lang muna ngayon.
Dumating na rin sila Dexter at Ava na may dalang tray at kumain na lang din kami. Pinag-uusapan namin kung paano ang gagawin namin para makanuod ng basketball game nila Kuya sa wednesday ng 3:00 P.M.
"Ayos lang sa'kin kasi tapos na ang klase ko nun, e." Sambit ni Kayla.
"Pwede naman siguro kaming mag-cut ni Naya ng class dahil discussion lang naman 'yun, e." Saad ni Ava sa tapat ko.
"Pwede rin naman." Hindi ko kasi pwedeng palampasin ang first game nila Kuya. Kaya kahit may class ako ay pupunta ako para suportahan siya.
"Welcome to the dark side." Humalakhak naman si Kayla na parang bruha. Mali, bruha na pala talaga siya.
"Kayo, Lux?"
"Okay lang din sa'kin." Ayos at mukhang lahat kami ay makaka-dalo at makaka-suporta sa basketball team namin.
"Mag-red kayo, ah. That's the color of our university." Paalala sa'min ni Dexter at tumango lang kami.
Nang matapos ang buong araw para sa klase ay nag-tungo na 'ko agad sa infirmary para mag-duty. As usual, walang masyadong naganap dahil walang pasyenteng pumapasok dito. Gusto ko sanang makipag-usap kay Lux through phone pero ayoko ko naman siyang istorbohin sa klase niya. Nag-basa na lang ng ako ng libro hanggang sa na-tapos ang duty ko.
"Bye, po Ma'am. Lani." Paalam ko at lumabas na ng silid. Nagulat ako ng makitang naka-sandal si Lux sa pader. Kanina pa ba siya d'yan?
"Lux, you should've text me." Saad ko bago siya lumapit sa'kin. Kinuha naman niya ang bag ko para siya ang mag-dala nito.
"Okay lang. Tara na." Nag-simula na kaming mag-lakad patungong car park.
Nag-drive na rin siya at akala ko diretso na niya 'kong ihahatid sa bahay pero dumaan muna kami sa isang drive-thru at nag-order siya ng coke float, fries at burger."Thank you." Sabi niya ng makuha ang order namin. Nag-simula na ulit siyang mag-drive gamit ang isang kamay at ang kabila naman ay ginagamit niya para kumain.
"Seriously?" Puna ko at tumaas lang ang kilay niya. Parang ako ang nahihirapan sa ginagawa niya, e.
Nilapag ko ang aking kinakain bago kinuha ang burger sa kamay niya.
"What? You want that?" Tanong niya pero binalewala ko 'yun at tinapat lang sa kaniyang bibig ang burger. Tumingin siya sa'kin at tumaas lang ang kilay ko. Ngumiti naman muna siya bago kumagat sa burger.
"You're sweet." Komento niya.
"S-syempre naman, ano." Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
"Bye, ingat ka." Paalam ko ng naka-ngiti.
"See you tomorrow." Pumasok na siya sa loob ng kotse at sabay na umalis. Habang ako naman ay pumasok na sa bahay at duon ko naabutan si Kuya na nass sala na mukhang kaka-uwi lang din.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...