Chapter 11

167 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Ano raw?"

Bulong ko sa'king sarili. Pumasok na siya sa loob at hindi na hinintay kung ano pang sasabihin ko. Pero mukhang mas mabuti na 'yun dahil wala rin naman akong ma-isasagot sa kaniya. That was out of nowhere. I didn't expect him to be straightforward just like that, kaya hindi rin ako makapag-react.

Lux, why are you being like this?

"Get inside, Naya." Tawag pa niyang muli at pumasok na lang ako sa kotse niya habang nasa harap lang ang aking tingin.

Panay ang sulyap ko sa kaniya pero hindi ko naman magawang mag-salita.

Ano na, Naya?

Parang kanina lang sobrang dami kong tanong na gustong-gusto i-tanong sa kaniya, pero bakit ngayon hindi ako makapag-salita? Hindi ko kayang mag-salita.

Kasi naman, e! Binanatan agad ako ng I miss you.

Alam ko rin sa sarili ko na sobrang laki ng naging epekto ng salita niyang 'yun sa'kin. Those words were enough to make my mouth shut, but at some point that makes me happy, knowing na na-miss din niya 'ko, knowing na hindi lang ako ang nakakaramdam nun.

Tahamik ang byahe namin dahil wala ni-isa ang nag-sasalita sa'ming dalawa. Ayaw kong mag-salita at mukhang ayaw din niyang mag-salita. Hanggang sa makarating na lang kami sa convenience store na malapit. Kapag kasi nilakad 'to aabutin ka ng mga halos sampung minuto pero kung may sasakyan ka, siguro mga three minutes lang.

He unbuckled his seatbelt before looking at me. "What do you want?"

"K-kariman, chocolate flavor." He gave me a small smile at lumabas na siya ng kotse. Pinanuod ko siyang maka-pasok sa loob ng store at duon lang ako nakahinga ng malalim.

I know that I'm nervous, but I mustn't tolerate it dahil marami pa akong dapat tanungin at sabihin sa kaniya. I just wanted to know everything, if he just let me know it.

Kailangan naming mag-usap.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin siya na may dala-dalang pagkain. Lumipat ako ng pwesto sa driver's seat at tsaka ko binuksan ang pintuan nito. Umupo ako habang nakatapak ang mga paa ko sa sahig.

Nang makalapit siya ay agad niyang in-offer ang pagkain na sinabi ko na may kasamang tubig. Agad ko itong tinanggap. "Salamat." Tumango naman siya.

"Ikaw anong in-order mo para sa sarili mo?" Tanong ko naman at pinakita niya sa'kin ang isang brown paper bag na may laman ding kariman.

"Weh, gaya-gaya!" Pang-aasar ko at tumawa naman siya.

"It just happened that I want the same food too." Depensa niya at humalakhak na rin ako.

"Kunware ka pa, e." Tumawa pa akong muli sabay kagat sa kariman. Agad kong inihipan ang loob ng bibig ko ng maramdaman ang init nito.

"Hey, be careful." He quickly opened the bottled water before giving it to me, I immediately drank it. "Gutom ka nga."

Ngayon siya naman ang nang-aasar sa'kin. Binaba ko ang bote ng tubig ng matapos akong uminom at sinamaan siya tingin. Tinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay.

Umihip ang malakas na hangin at naramdaman ko ang lamig nito because I was just wearing a t-shirt, kung alam ko lang na mag-kikita pala kami ay dapat pala nag-suot na ako ng blazer. Bakit ba kasi hindi ako nag-suot ng panlamig.

Bago ko pa muling maramdaman ang lamig ng simoy dala hangin ay may naramdaman na 'kong tela na bumalot sa'king katawan. Then, I saw Lux wearing his denim to my body. Now, I feel warm.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon