Naya's Point of View
"Ma'am, kilala niyo po ba ang Tito ng pasyente?"
Naramdaman ko ang pag-tabi sa'kin ng aking sekretarya, nag-tataka rin siya, lalo na 'ko. Nag-tataka rin ako. It's just really odd because he knew my nickname. Hindi ko naman siya pwedeng maging blockmate or schoolmate dahil masyado siyang bata para sa edad ko. Sino ba 'yun?
"Hindi. Hindi ko siya kilala." Medyo pamilyar nga ang kaniyang mukha pero hindi ko naman ma-sabi kung talagang nakita ko na siya, hindi ko rin matandaan.
And what's with his last words? Hindi ko talaga 'yun maintindihan. Ayoko ring intindihin 'yun.
Hindi ko na lang din siya inintindi pa at bumalik na sa opisina ko at muling nag-check ng mga papers. Nang matapos ang lahat ng dapat kong gawin at ng masigurado kong ayos na ang lahat sa mga ward ay umuwi na 'ko sa bahay. Bumili ako ng condo unit around Manila na malapit sa hospital para hindi ako mapagod sa byahe pero tuwing wala akong pasok ay umuuwi ako sa bahay namin.
Umalis ako sa hospital ng 11:30 P.M at nakarating sa bahay ng madaling araw. Ni-park ko ang kotse sa garahe at ginamit ang aking susi para maka-pasok sa bahay at dumiretso sa'king kwarto. Nag-shower muna 'ko bago natulog at nagising ng 11:00 A.M. Medyo late na ang gising ko pero at least naka-bawi ako ng tulog. Bumaba na 'ko at pumuntang sala. Nag-kita naman kami agad ni Kuya.
"Oh! Nandito ka?! Anong ginagawa mo rito?" Salubong sa'kin ni Kuya. Ayos, ano? Kaka-gising ko lang tapos ganito i-bubungad niya sa'kin.
"Para sabihin ko sa'yo, anak rin ako ng may ari ng bahay na 'to kaya may karapatan akong umuwi rito." I rolled my eyes to him. He held his chest and inhaled dramatically.
"Ma, Ma! Meron ditong outsider na babae, sabi anak niyo raw at may karapatan daw siya rito sa bahay natin. Ma, tumawag ka nga ng pulis!" Pag-sisisigaw niya. Argh, nakaka-inis talaga siya kahit kailan.
"Ano ba 'yun, Nasiv?" Lumabas naman si Mama galing kusina. "Oh, Naya, gising ka na pala. Kumusta ka na?" Lumapit naman sa'kin si Mama at niyakap ako.
"Pagod pero okay pa naman ako." Sagot ko sa kaniya. Bumitaw na siya sa pag-kakayakap.
"Ma! Ano 'yan?! Bakit may pa-yakap-yakap kayong dalawa?" Umakto pang naguguluhan si Kuya para asarin ako lalo. Kaunti na lang talaga sasapakin ko na siya.
"Para kang sira, Nasiv." Pag-suway sa kaniya ni Mama at umamba sa kaniya ng palo.
"Sira naman talaga 'yan, Ma, e. Alam mo ikaw, Kuya, minsan na nga lang ako umuwi rito tapos ganyan ka pa. Bwiset ka rin, ano!" Pang-aaway ko sa kaniya kaya agad naman siyang umayos at lumapit sa'kin at ginulo ang aking buhok.
"Joke lang, 'to naman." Tumawa naman siya. "Kumusta naman ang kapatid kong nurse? Kaya pa ba?" He asked now.
"Kaya pa." Matino kong sagot. Dahil kayang-kaya ko pa.
"Mabuti. Basta sabihin mo ka-agad sa'kin kapag hindi mo na kaya maging nurse, ah, at mas gusto mo na lang maging pasyente." He laughed. Muli ko na lang siyang tinarayan at iniwan na namin siya ni Mama para pumuntang sa kusina.
"Kaka-tapos ko lang mag-luto. Kain na tayo." Nakaramdam naman agad ako ng gutom.
"Really? Miss ko ang luto mo, Ma." Ngumiti naman siya sa'kin. Hindi kasi ako masyadong kumakain sa hospital dahil ko type ang lasa ng pagkain duon hindi katulad dito sa bahay.
Iba pa rin talaga kapag lutong bahay, kapag lutong Nanay.
"Hi, Naya. Welcome home." Charlotte welcomed me. Binaba naman niya ang isang pinggan sa lamesa bago lumapit sa'kin para yumakap.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...