Chapter 6

195 16 0
                                        

Naya's Point of View

"Anong sabi mo?"

Parang nag-eecho pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya. Saan banda ang worth duon? Hindi ko kasi makita ang worth sa pagiging late.

Parang gusto ko tuloy siyang sapakin. Nahihiya at guilting-guilty na nga ako rito dahil ako 'yung pinaka-dahilan kung bakit siya late tapos siya, pa-worth it, worth it pa!

"B-bwiset ka!" Singhal ko at tinalukuran siya. "Goodbye na nga." Paalam ko at mabilis na nag-tungo sa hagdanan.

Narining ko pa siyang nag-paalam pero nag-patuloy lang din ako sa pag-lalakad. Bahala siya r'yan. Bumalik na 'ko sa infirmary.

Pumasok ako sa loob at mabilis kong sinara ang pintuan at tsaka ako sumandal duon.

Sinapo ko ang aking dibdib dahil sa may kakaiba akong nararamdaman dito at medyo mabilis din ang tibok nito. Perhaps this is how guilt feels.

"Aray!" Bulalas ko ng biglang bumukas ang pintuan at dahil duon ay bumuggo ako sa pader.

"Aray ko!" Sino ba 'tong nag-bukas ng pinto, grabe naman!

Lumingon ako para makita kung sino ang pumasok at kumunot ang nuo ko ng makita ko ang isa sa aking co-intern. Anong ginagawa niya rito? Wala naman siyang duty ngayong araw, ah!

Sinara niya ang pintuan at agad ns luminga-linga, para siguro hanapin ako.

"Kristana?" Nag-tatakang tawag ko at ng nakita niya ako ay agad siyang lumapit at niyakap ako. Nagulat ako pero mas nagulat ako ng marinig ko siyang umiiyak.

"Kristana? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Naguguluhan kong tanong. Humikbi-hikbi pa siya ng mga ilang beses bago siya tuluyang nag-salita.

"H-he.. cheated on me." She emotionally said and her tears bursted more. Who cheated on him? Her boyfriend?

Narinig ko pa ang iyak niya kaya inalo ko siya at sinubukang pakalmahin. Pumasok muna kami sa reception desk bago ko siya ng isang basong tubig, agad naman niya 'tong ininom.

"Medyo ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala kong tanong. Tumango-tango naman siya habang pinupunasan ng tissue ang kaniyang mukha. Isang malaking buntong hininga muna ang kaniyang nilabas bago nag-salita.

"H-he cheated on me." Her voice broke. Tumigil siyang sandali at kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.

"I saw him kissing another woman." Nararamdaman ko ang sakit sa kaniyang boses maging sa kaniyang mukha.

"I confronted them at nung mga oras na 'yun sobrang tapang ko pero agad din 'yung nawala kasi.. kasi he chose that girl over me." Nadurog ang boses niya at napansin kong may unti-unti namang luha ang namumuo sa kaniyang mga mata.

"Araw-araw ko siyang pinipili, pero ako, isang araw lang hindi niya pa nagawang piliin. Pinili ko siya, e. Pero bakit ako hindi niya magawang piliin?"

Tuluyan na ngang bumuhos ang kaniyang mga luha. "Hindi ba dapat piliin niya rin ako?!"

Naaawa ako para sa kaniya. Alam na alam kong nasasaktan siya ngayon pero may kailangan siyang marinig at maintindihan. Humugot ako ng lakas ng loob bago nag-salita.

"Sorry, pero kasi hindi ganun 'yun, e. Hindi kasi porket pinili mo siya ay pipiliin ka na rin niya."

Napa-tigil naman siya sa sinabi ko. Parang it was a blow to her.

"Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa ngayon pero alam na alam kong nasasaktan ka, pero 'yun kasi talaga 'yun, e." Dugtong ko pa.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon