Chapter 4

194 21 6
                                    

Naya's Point of View

Dalawang araw na ang lumipas at ang see you tomorrow naming dalawa ni Lux ay ang ending we've never see each other. Hindi ko alam kung malaki lang ba talaga 'tong univesity o talagang hindi lang kami nag-kakasalubong.

But I heard from Kuya na busy daw talaga ang mga estudyante sa department nila. Ni-rerequired daw sila na gumawa ng business plan which is hindi raw madali. Hindi ko alam pero there is a part of me na gusto siyang makita. Gusto ko pa naman sanang bumawi sa ginawa niyang pag-hatid sa'kin nung nakaraang araw.

I'm here right now sa infirmary. I have duty, walang pa akong pasyente at na-bobore na 'ko kaya naisipan kong buklatin ang patient's log book. Dito ko muling nakita 'yung pangalan ng pasyente ko nung nakaraang araw, 'yung nagkaroon ng sugat sa kanang binti. His name is Louise.

Biglang pumasok ang isang ideya sa isipan ko kaya kinuha ko ang aking cellphone at nag-punta sa facebook sabay search ng pangalan niya. Baka sakaling makita ko si Lux sa wall niya or sa kaniyang friend list. Dahil hindi ko naman alam ang account niya 'yung sa kaibigan na lang muna niya. Mang i-istalk muna ako.

Agad ko rin namang nakita ang account ni Louise kaya ni-view ko ang wall niya. Nakita ko na may latest post siya at naka-tag sa limang tao. Natawa naman ako sa caption niya.

We need to execute a plan for the business plan.

May mga pictures din ng mga kape at 'yung isa ay isang group picture nila. Clinick ko ito at zinoom. Duon ko nakita ko si Lux sa gilid ng lamesa at mukhang babad na babad siya sa laptop.

He looks serious. Mukhang mahirap nga ang business plan. He's really working hard, I mean them.

Nag-scroll pa ako pero wala na akong makita pang larawan. Nag-punta ako sa tags at inisa-isa ko ang mga pangalan hanggang sa makita ko ang pangalan ni Lux.

Luxas Nacario.

That is his full name. I view his wall, but I barely seen anything. Wala siyang masyadong post or shared post at 'yung profile picture niya ay isang taon na ang nakakalipas kung saan siya ay naka-upo sa isang egg hammocks at naka-side view.

Nag-back na ako at nakita ko ang add friend. Ito na ang challenge ko ngayon, alam ko na 'yung facebook account niya and all I have to do is to add him.

Nakikipagtalo pa ang isa kong sarili sa isa ko pang sarili, but I ended up not adding him. Nahihiya siguro ako, kung siya siguro ang mag-aadd sa'kin ay agad ko rin siyang ico-confirm. 'Yun ay kung i-add niya 'ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at nag-back. Ang hina naman ng loob ko pag-dating sa mga ganito. Muli kong nakita ang post at muli rin akong natawa sa caption. Ang humor ng dating pero parang ang motivating. I pressed the react button, then I chose heart react.

Nanlaki agad ang mga mata ko sa'king ginawa at agad ko 'tong tinanggal. Nawala sa isipan ko na hindi ko nga pala friend 'yung si Loiuse. Nakakahiya at baka isiping stalker ako, well, I did stalk him because of Lux pero nakakahiya pa rin.

Ano ba kasing ginagawa mo, Naya?

Tumunog din ka-agad ang phone ko at nakita ang friend request sa'kin ni Loiuse. Kung sinuswerte ka nga naman, oh! Ka-galing talaga!

I just accepted his friend request tutal naging pasyente ko naman siya, e. Medyo nakakahiya nga lang. Binalik ko na lang din ka agad ang phone ko sa'king bulsa, baka may ma-pindot na naman ako, e! Mahirap na.

"Goodbye, Ma'am. Lani. Thank you for today!" Paalam ko sa head namin at agad din naman akong umalis. I checked my phone and it's already 6:00 P.M.

Maaga ang uwian nila Kuya ngayon, e, kaya wala muna akong driver. Nag-offer pa nga siyang sunduin ako pero hindi na 'ko pumayag. Sinabi kong mag co-commute na lang ako.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon