Naya's Point of View
"Uh.. punta po muna tayo sa reception desk para kayo na lang ang mag-fill up sa patient's log book."
Hindi ako lumingon sa kaniya at nag-lakad na lang patungong reception desk. Siguro naman alam niyang siya 'yung kausap ko. Sila lang din naman ang tao rito, e.
I sprayed an alcohol to my hand hanggang sa'king siko. Nakita ko naman ang pag-lapit niya sa desk. Kinuha ko na ang log book at inabot 'to sa kaniya.
"Name ng patient, course and section. Dito naman sa cause of admission ako na po ang bahalang mag-fill." Pag-turo sa kaniya.
Tumango lang siya bilang sagot at pinapanuod ko lang siyang mag-fill up at ng matapos ay binigay niya rin 'to sa'kin.
"Salamat." Saad ko at agad kong sinulatan 'yung sa cause of admission.
Nakita kong sinukbit niya 'yung bag niya sa kaniyang balikat. Aalis na yata, paano kung magising 'yung kaibigan niya at hanapin siya? Anong isa-sagot ko? Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya pupunta o kung anong oras siya babalik o kung babalik o pa ba siya pero parang wala akong dila.
"I'll be back in 30 minutes." Paalam niya at mabilis na lumabas ng silid ng hindi man lang hinihintay ang sagot ko.
Wait, did he just tell me that he'll be back in 30 minutes? Ibig sabihin nag-paalam siya sa'kin? Ni-update niya 'ko kahit na hindi ko naman tinatanong.
Agad naman akong umiling. Malamang mag-papaalam 'yun dahil nag-papahinga 'yung kaibigan niya rito sa loob para may masagot ako kung baka sakaling mag-tanong 'to at hanapin siya.
Napabuntong hininga na lamang ako at muling tinignan ang patient's log book. Ngayon ko lang din napansin na maganda ang sulat niya. Iba rin.
Sinara ko na ang log book at duon ko na lang ulit na-realize 'yung katahimikan. Binagsak ko na lang ulit ang mukha ko sa desk. Inaantok na naman ako. Nag-puyat din kasi ako, e.
Lumipas ang kalahating oras ay wala akong ginawa kundi ang mag-basa ng libro. Para lang pumatay ng oras at malibang.
Naagaw agad ang aking atensyon sa narinig kong ingay na gawa ng pag-bukas ng kurtina. "Hi." Bati ko at napalingon naman ang pasyente.
"Hi." He greeted back. Lumabas naman ako sa loob ng reception desk at dumiretso sa kinaruruonan niya. Dala-dala ko ang sphygmomanometer to check his blood pressure.
"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" I asked.
"I'm good now. Medyo masakit nga lang 'yung kanang binti ko pero I know I'm good." He smiled a little.
Tumango-tango ako. "Normal lang 'yan pero after a week or less makaka-recover ka rin agad."
"I will. Thanks." Sagot niya sabay angat niya ng kaniyang kanang braso. Obviously duon ko i-checheck 'yung blood pressure niya.
Chineck ko naman 'yun. "Normal naman ang blood pressure mo." Paninigurado ko sa kaniya.
"That's good to hear." He said then I removed the inflatable cuff on his arm.
"Lux."
My eyes got widen when I heard the name of the transferee guy. He said he'll be back in 30 minutes, and he really mean it, he made it.
"Musta?" Tanong nito.
"As good as always." The patient laughed.
Nanatili pa rin akong nakatalikod at pinipisil-pisil lang ang inflation bulb ng sphygmomanometer.
"Uh.. nurse, pwede na po ba akong ma-discharge?" Tanong sa'kin ng pasyente.
"Uh, oo, pwede na. Sandali lang." Bumalik ako sa reception desk at bnalik ko rin ang bp monitor sa lalagyanan nito bago kinuha ang log book sabay balik.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
RomanceNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...