Chapter 24

87 4 0
                                    

Naya's Point of View

"Exchange gifts na!"

Nang matapos ang undas break ay pasukan na ulit pero hindi ko inaasahan na magiging mabilis lang ang araw dahil dumating na rin ang christmas break. Marami na rin ang nangyari kagaya ng pag-pasok ng basketball team sa semi-finals ng regional basketball tournament. Tuwang-tuwa naman ang lahat lalo na sila Kuya.

"Sinong naka-bunot sa'kin?! Nasan na 'yung regalo ko? Kapag 'yan lang talaga mug at picture frame ihahampas ko talaga sa mga mukha niyo 'yan. Nasan na?!" Inip na sabi ni Kayla.

Naririto kami ngayon sa condo ni Lux dahil sa ideya ni Kuya na small party at exchange gifts para sa'ming lahat.

It's already 9:00 P.M of the night. Gabi na kami nakapag-celebrate dahil sa dami ng naging lakad namin kasama ang kani-kaniyang mga pamilya.

Mag-katabi kami ni Lux at pina-panuod lang namin ang pag-tayo ni Joshua habang hawak ang isang regalo sabay inabot 'to kay Kayla. Siya pala naka-bunot sa kaniya. Ano kayang magiging reaksyon niya?

Kinuha naman 'to ni Kayla ng walang imik at pinatong ang regalo sa kaniyang lap. Himala at hindi yata siya nag-ingay ngayon kay Joshua.

"Oh, hindi mo bubuksan?" Tanong sa kaniya ni Joshua.

"Sa bahay na lang." Sagot ni Kayla.

"Ikaw bahala." Kibit balikat ni Joshua bago bumalik sa pwesto niya.

"Paano mo malalaman n'yan na hindi nga mug or picture frame ang regalo sa'yo ni Joshua kung hindi mo bubuksan?" Saad ni Ava. Oo nga naman. Tumingin ako sa regalo ni Joshua and it's really hard to tell kung ano 'yun.

"Hindi 'yan. May tiwala naman ako sa pera ni Joshua. Rick kid 'yan, e." Hinayaan na lang namin si Kayla sa gusto niya.

Sila na ang last for the exchange gifts kaya nag-decide na rin kaming umuwi, including Lux, duon siya sa bahay nila matutulog. Tapos na ang small gathering namin.

Nag-punta kami ng parking lot at kumunot ang nuo ko ng binuksan ni Lux ang shotgun seat ng kotse niya.

"Sinong isasakay mo d'yan?" Nalilito kong tanong.

"You, obviously. Ihahatid kita." He gestured his hand.

"What? No, it's night at mapapagod ka lang. Kuya's here naman." Pag-kontra ko sa gusto niyang gawin. Ayoko ng mag-pahatid sa kaniya dahil out of the way. At isa pa, nandito naman 'yung kapatid ko, oh.

Lumingon ako sa kotse ni Kuya at nalaglag na lang ang panga ko ng makitang umaandar na 'to paalis.

"Sandali!" Sigaw ko pero balewala na rin 'yun dahil tuluyan na silang naka-alis. Kuya Nasiv sa pag-kakatanda ko mag-kapatid tayong dalawa, ah. Bakit mo 'ko iniwan? Nakakainis naman siya, e. Humanda talaga 'to si Kuya sa'kin mamaya sa bahay, iwanan ba naman ako rito.

Bumalik ang tingin ko kay Lux. "Where's your Kuya? I can't see him." He acted like he was really looking for my brother.

I sighed at mabagal na nag-lakad papasok sa kotse niya. Sinara niya ang car door at mabilis na umikot bago pumasok.

Nag-simula na siyang mag-maneho at tinitignan ko naman ang bawat light posts na nadadaanan namin hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

"Sorry kung kinailangan mo pa 'kong ihatid. Ang hassle para sa'yo." Sabi ko bago tinanggal ang aking seatbelt.

Hindi ko narinig ang sagot niya kaya naman tumingin ako sa kaniya at agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang may hawak siyang maliit na box.

"Oh, my God. Lux!" Hindi ko na ma-itago ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon